Vic Reyes

Makabagong X-Ray at body scanner, idineploy ng BOC

May 26, 2024 Vic Reyes 118 views

TULOY-TULOY ang ginagawang pagbabago ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) para lalong gumanda ang serbisyo nila sa mga paliparan.

Ang hangad kasi ng BOC ay mapabilis ang processing ng mga dumarating na bagahe at pasahero sa ibat-ibang international airports sa bansa.

Hindi lang ‘yan, sinisiguro nila na walang makapapasok sa bansa na mga kontrabando, kabilang na ang droga, baril at explosive.

Sa ngayon, nag-i-install ang BOC ng mga state-of -the-art scanning machines sa mga pangunahing international airport sa bansa.

Sinabi ng BOC na ang ide-nideploy ngayon sa key airports ay ang Rapiscan 920CT (Computed Tomograhy) at Tek84 intercept body scanners.

“The deployment of these state-of-the-art gadgets is a testament to the BOC’s commitment to improving the detection of illicit items,” ayon sa ahensiya.

Ang Rapiscan 920CT x-ray machine “employs cutting ege technology to identify explosives and other hazardous materials.”

Ang Tek84 body scanner naman ay kayang-kayang mag-identify ng metallic at non-metallic items, kagaya ng droga at weapons.

Ang scanner “is capable of processing up to 180 individuals per hour.”

Inilalagay sa key airports ang mga gadgets na ito, kabilang na ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Clark International Airport (CIA) at Mactan-Cebu International Airport (MCIA).

***

Marami ang natuwa dahil sa pagdating ng Bagyong Aghon.

Ang unang bagyong pumasok sa Pilipinas ay nagdala ng pag-uulan sa Mindanao, Visayas at Luzon.

Pero dahil kay Aghon ay libu-libong ship passengers ang stranded sa ibat-ibang pantalan sa bansa.

Hindi lang ‘yan, maraming mangingisda ang hindi nakapaglayag dahil sa sama ng panahon na dulot ni Bagyong Aghon.

Pero marami rin ang natuwa dahil naibsan ang nararamdamang sobrang init ng panahon na nagpapahirap sa taumbayan.

Dahil sa tagtuyot ay nalanta ang maraming pananim, kasama na ang palay, mais, tabako at mga gulay.

Hindi na alam ng taumbayan kung ano ang dapat gawin dahil parehong perhuwisyo ang dulot ng El Nino at La Nina.

Kaya dapat pagtuunan ngayon ng gobyerno ang La Nina dahil patapos na El Nino.

Linisin na natin ang mga daluyan ng tubig na kagaya ng mga ilog, sapa at drainage canal para hindi madaling magbaha sa lugar.

Tama ba, Pangulong Bongbong Marcos?

***

Isa sa pinaka-mainit na isyu ngayon ay ang patuloy na operasyon ng mga POGO sa bansa.

Nakakatulong ba o nakasasama sa bansa ang mga POGONG ito?

Sa tingin natin ay panahon na para mag-desisyon ang administrasyon ni Pangulong Marcos para matapos na ang isyung ito.

Ito ay para ituon na lang natin ang pansin sa mga nagawang kasalanan ng mga nagpatakbo ng mga POGONG ito.

Hindi pwedeng basta na lang kalimutan ang mga nagawang kasalanan ng mga taong nasa likod ng operasyon ng mga POGO.

Kailangang managot sila dahil ang maraming naperhuwisyo ang mga iligal na gawain ng mga offshore gaming operator.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa 0917-8624484/email:[email protected]. Ilagay lang ang hiong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE