Maja

Maja binigyan ng bachelorette party, Maine susunod na

April 17, 2023 Aster Amoyo 244 views

KAMAKAILAN lamang ay binigyan ng bachelorette party si Maja Salvador ng kanyang mga close friends which include Kathryn Bernardo, Maine Mendoza, Miles Ocampo, Precious Lara Quigaman, Kakai Bautista, Pooh, Alora Sasam at iba pa.

Ang singer, actress, dancer, host, celebrity endorser at entrepreneur ay nakatakdang ikasal sa kanyang fiancé, ang businessman na si Rambo Nunez sa darating na July pero wala pang ibinabahagi ang couple na detalye na may kinalaman sa kanilang nalalapit na kasal.

Si Maja ay kasalukuyang naka-leave sa noontime program na “Eat Bulaga” kung saan ay kabilang na siya sa mga Dabarkads/hosts.

It was in April 2022 when the couple got engaged after reconciling in 2018 matapos ang kanilang break-up in 2010.

Samantala, may nakarating sa aming balita na sa buwan din umano ng Hulyo nakatakdang ikasal ang isa pang engaged couple na sina Arjo Atayde at Maine Mendoza gayundin ang nagkabalikang magkasintahan na sina Jomari Yllana at Abby Viduya.

Kris patuloy ang paggaling, Josh nakauwi na

KrisPATULOY ang pagpapagaling ng TV host-actress, vlogger at entrepreneur na si Kris Aquino sa Amerika na may kinalaman sa kanyang autoimmune disease which prolongs her stay in the U.S.

Last Saturday, April 15 ay isang mahabang post ang ibinahagi ni Kris sa kanyang Instagram account.

“This is an overdue GRATITUDE post. I know it’s because of your prayers that God helped lead me to an excellent team of doctors: Dr. Sudhir Gupta, his daughter Dr. Malika Gupta, Dr. Yaqoot Khan, and Dr. John Belperio. Except for Dr. Malika who has her own private clinic, Dr. Gupta is with UCI while Dr. Khan & Dr. Belperio are practicing in UCLA. In particular warmest thanks to Dr. Malika and Dr. John for their excellence and real compassion.. I have many limitations when it comes to medicine & treatments because of my allergies and/or adverse reactions YET they both found treatments that given time can help me get my health back.

“Aamin ako, after my 1st consultation with Dr. Khan & Dr. Belperio, when 14 vials of blood were drawn-mahirap pag “nerd” like me; too much researching plus memorized ko na yung mga results na dapat kong ikabahala pero alam ko rin na hindi dapat pangunahan ang mga doctor.

“My last numbers were alarming because maraming bumagsak na sana steady lang at yung mga nananahimik (like my ANA titer) nagparamdam ulit…pinaalaala sa `kin na yung 4 diagnosed autoimmune ko, puwedeng maging 5 or 6, and my major organs like my heart & lungs can suffer permanent damage.

“Next week may bagong treatment na isasabay sa biological injectable that I’ve had 2 doses of…praying kayanin ko.

“THANK YOU – many of you don’t know me personally but friends of my family, my friends, those helping take care of me- all have heartwarming stories about people they know who keep praying for me to get better. I don’t know what I’ve done to deserve your kindness but please know YOU GIVE ME HOPE & COURAGE to KEEP THE FAITH and TRUST GOD’S Merciful LOVE. Thank you for being my RAINBOW.

“There are special people apart from my doctors I want to THANK by NAME, but I learned the hard way: when you choose to open up portions of your life tht should remain private (close friendships & relationships) you open what’s special to harsh judgement. You deserved a health update because you’ve been with me in this journey, sana ibalato nyo na lang ang private life during my journey of healing.

P.S. Kuya Josh is back in the Philippines; we miss him BUT his heart is happiest at home.”

Kung pagbabasehan ang present look ni Kris, malaki na ang improvement ng kanyang health at kasama na rito ang kanyang pagdagdag ng kanyang timbang.

Nakakabilib naman ang dedication na ipinakikita ni Bimby sa pag-aalaga nito sa kanyang ina since day one ng pagtulak nila ng Amerika for his mom’s further treatment.

Kinse anyos pa lamang si Bimby pero daig pa nito ang isang adult kung mag-isip at mag-alaga sa kanyang ina.

Patuloy ang panalangin ng marami sa tuluyang paggaling ni Kris sa kanyang sakit nang ito’y makauwi na ng Pilipinas.

Prince Harry kinumpirma ang pagdali sa korobasyon ni King Charles

MATAPOS ang iba’t ibang espekulasyon na hindi umano dadalo si Prince Harry at Meghan Markle, Duke and Duchess of Sussex respectively sa coronation nina King Charles at Queen Camille sa darating na May 6, 2023 na gaganapin sa Westminster Abbey in London, kinumpirma na ng second and youngest son ni King Charles sa yumaong si Princess Diana na siya’y dadalo sa pinakamahalagang okasyon ng kanyang ama. Pero hindi niya makakasama ang kanyang wife na si Meghan at ang kanilang dalawang anak na sina Archie at Lilibet na maiiwan sa kanilang mansion in Montecito, California.

Ang coronation day ni King Charles at Queen Camille ay kasabay sa 4th birthday ng panganay nina Prince Harry at Meghan na si Archie Harrison Mountbatten – Windsor. Ito ang unang kaarawan ni Archie na wala si Prince Harry.

May mga balitang lumabas na na-upset umano si Meghan dahil hindi kasama ang dalawa nilang anak ni Prince Harry sa mga plano ng coronation ni Prince Charles kaya nag-desisyon ang Duchess of Sussex na magpaiwan na lamang kasama ang dalawang bata.

Mahirap din ang magiging katayuan ni Prince Harry sa coronation day ng kanyang ama dahil bukod sa pagtalikod nila ni Meghan sa kanilang royal duties to live as private citizens in their mansion in Montecito, California, strained na rin ang kanilang relasyon kay Prince Charles maging sa nakatatandang kapatid ni Prince Harry na si Prince William. Ito’y may kinalaman sa kanilang explosive interview with Oprah Winfrey, ang paglabas ng librong “Spare” ni Prince Harry, his various TV guestings sa iba’t ibang talk shows sa Amerika maging ang paglabas on Netflix ng kanilang docu series na “Harry & Meghan” among others. Pero sa kabila nito, nagpadala pa rin ang royal family ng invitation kina Prince Harry at Meghan sa koronasyon ni Prince Charles at (second) wife nitong si Queen Camille. Nanaig pa rin kay Prince Harry ang kanyang obligasyon bilang anak ng bagong hari ng England.

Aware din si Prince Harry na magiging civil lamang sa kanya ang kanyang ama at kapatid sa kanyang pagdalo sa coronation date.

Samantala, malamang na i-celebrate ng mag-asawang Prince Harry at Meghan ang 4th birthday ng kanilang panganay na si Archie either earlier or after the coronation of King Charles.

In fairness sa dalawa, sobra nilang ini-enjoy ang kanilang pribadong buhay sa Amerika kasama ang dalawa nilang anak.

The couple’s neighborhood include Oprah Winfrey, Tom Cruise, Ellen DeGeneres, Gwyneth Paltrow, among others.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@aster_amoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE