Sixto

Wooden Pinocchio toy, espesyal na regalo sa 4th b-day ni Sixto

April 16, 2023 Ian F. Fariñas 295 views

Sixto1Binigyan ng espesyal na regalo ni Dingdong Dantes ang bunsong anak na si Sixto sa ikaapat na kaarawan nito kahapon.

Sa kanyang Instagram account ay ipinakita ng aktor ang isang wooden Pinocchio toy na favorite Disney character ni Sixto.

“Celebrating Sixto’s 4th birthday with a special surprise — Guillermo Del Toro’s Pinocchio!

“This wooden toy (from old ipil), carved by our talented sculptor friend Charming Baldemor, has quickly become one of his favorites,” pagbabahagi ni Dong.

Dagdag pa ng aktor, maraming beses nang inuulit-ulit ni Sixto ang Pinnochio movie tulad din niya noong maliit siya na ilang beses niya ring pinanood ang Superman 2.

“Just like how I watched Superman 2 countless times in the ‘80s, Sixto has seen this movie about 20 times already!” tsika niya.

“It’s amazing how stories and characters like Pinocchio are timeless and carry valuable lessons.

“Here’s to a birthday filled with imagination, wonder, and lots of playtime with this special gift!” pagtatapos ni Dingdong.

Happy birthday, Sixto!

PINAKAMALAKING BREAK

Proud na proud and super excited ang Kapuso stars na sina Martin del Rosario and Liezel Lopez sa pagkaka-cast sa kanila sa napakalaking GMA-7 TV project na “Voltes V: Legacy.

Silang dalawa ang main villains sa nasabing serye.

Ginagampanan ni Martin ang papel na Prince Zardoz, ang kaaway ng Voltes team at nais sakupin ang buong mundo.

Habang si Liezel naman ay si Zandra, ang loyal na kakampi ni Zardoz at mayroon silang love story.

“Meron kaming love teams, merong mga romantic scene, merong mga comedy scene, merong mga heavy drama scene,” sey ni Liezel sa ginanap na online mediacon para sa kanilang dalawa ni Martin.

“Malalim ‘yung hugot per character sa mga scene namin,” dagdag pa niya.

Enjoy naman si Martin sa kanyang karakter at inaming ito na ang pinakamalaking break na natanggap niya so far in his career.

“Siguro ‘yung pinagkaiba lang ni Prinsipe Zardoz du’n sa iba kong ginawang kontrabida, hindi siya yung totally bad. Para siyang good na bad, ‘di mo maintindihan, kaya ang sarap paglaruan, eh,” sey ni Martim.

“Maraming mapupulot na aral dito actually from different characters, sa mga hugot ng bawat characters. So ‘yun, excited na kaming mapanood niyo ‘to,” dagdag pa niya.

Malapit na ang aring ng much-awaited series pero before its premiere sa GMA network ay magkakaroon muna ito ng theatrical airing exclusively sa SM Cinemas from April 19 to 25 dubbed as Voltes V: Legacy: The Cinematic Experience.

Mapapanood dito ang mga eksena sa first three weeks ng serye.

AUTHOR PROFILE