Phivolcs

Magnitude 5.7 lindol yumanig sa Davao Occ.

February 21, 2022 Jun I. Legaspi 372 views

NIYANIG ng lindol na may lakas na magnitude 5.7 ang Davao Occidental Lunes ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol alas-2:20 ng umaga.

Ang epicenter nito ay 109 kilometro sa silangan ng bayan ng Jose Abad Santos at may lalim na 120 kilometro.

Naitala ng PHIVOLCS ang mga sumusunod na Intensity III sa Tupi, South Cotabato; Intensity II – General Santos City, Davao City, – Instrumental Intensity: Intensity III – General Santos City at Intensity I – Davao City; Kidapawan City.

Nagkaroon ng tensiyon sa Barangay Greater Lagro, Quezon City, nang makarinig ng malakas na pagsabog sa kanilang lugar nitong Lunes ng madaling araw.

AUTHOR PROFILE