Magdalo survey: BBM 60.9%

April 18, 2022 Lee Ann P. Ducusin 176 views

Kulelat pa rin si Leni 23.4 %

KAHIT sa mismong pa-survey ng Magdalo Group na pinangungunahan ni dating senador Sonny Trillanes na kilalang kaalyado ng mga Dilawan at ni Leni Robredo ay nangunguna pa rin si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard bearer at presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos matapos magtala ng 60.9 % preference rating.

Dahil dito, lalong tumibay ang pangunguna at tiyak na panalo ni Marcos, lalo’t mahigit dalawang linggo na lang bago ang halalan sa Mayo 9 bago ang nakatakdang halalan.

Malayong nakasunod sa kanya ang hindi pa rin makahabol na si Leni Robredo na mayroon lang na 23.4 percent.

Pangatlo si Ping Lacson sa 2.6 percent at ang lima pang presidential candidate ay nakakuha lamang ng mababa pa sa one percent.

Isinagawa ang Magdalo survey nito lamang April 5 to 7.

Magdalo group na binubuo ng mga retiradong sundalo, mahihirap at kabataan, ay pinangungunahan ni Trillanes na isa rin sa mga pangunahing tagasuporta sa kandidatura ni Robredo.

Mismong ang Magdalo group ay opisyal ding nagdeklara ng kanilang suporta sa reyna ng dilawan.

Itinuturing na malaking sampal para sa mga dilawan ang malaking kalamangan ni Marcos kay Robredo sa Magdalo survey.

Kung matatandaan, kahit sa survey ng sariling istasyon ni Robredo na Radio Mindanao Network and Asia Pacific Consortium of Researchers and Educators (RMN-APCORE) ay kulelat din si Robredo kumpara kay Marcos.

Ang RMN-APCORE survey ay isinagawa noong April 1-4.

Si Marcos ay may napakataas na 59 percent voter preference , samantalang si Robredo ay hilahod sa 20.7 percent.

Si Robredo ay may radio program sa DZXL-RMN Manila.

“Paano pa mananalo si Robredo kung sa mismong pa-survey ng Magdalo at RMN radio station niya ay malaki ang lamang ni BBM? Isipin mo, sariling grupo mo na at radio station kung saan ka nagpoprograma ay talo ka, ibig sabihin, wala talagang tiwala sa kanya ang masa,” sabi ng isang political analyst.

AUTHOR PROFILE