Fire Source: File photo ni JONJON C. REYES

Mag-asawa dedo sa palo, sunog; kasambahay hinuli

March 6, 2024 Melnie Ragasa-limena 112 views

NASA kustodiya ng pulisya ang isang housemaid matapos umanong maaktuhang tumatakas mula sa nasusunog na bahay ng mag asawang amo na hindi naman pinalad na makaligtas sa sunog Martes ng gabi sa Cubao, Quezon City.

Nakilala ang mga biktima na sina Jose Arsenio Chua Ong, 80 at Elizabeth Dolliaga Ong, 78 kapwa residente sa Cubao, Quezon City.

Nakitaan din ng mga palo at sugat sa ulo ang mga biktima.

Inihahanda ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang mga isasampang kaso sa kasambahay na si Marilyn Mante Pandita, 48, tubong Alabel Sarangani at stay-in sa bahay ng mga biktima.

Batay sa imbestigasyon ni PMSg Alvin G. Quisumbing, ng QCPD-CIDU, nangyari ang sunog bandang 8:45 p.m. nitong Martes sa nabanggit na address.

Sa pahayag ng saksing si Aileen Santos, nakita niyang nasusunog ang bahay kaya agad siyang humingi ng saklolo sa mga opisyal ng Brgy. E. Rodriguez.

Naging maagap naman ang mga tauhan ng Quezon City Fire Department sa pangunguna ni SFO4 Ramir Almodiel at naapula ang apoy dakong 9:22 p.m.

Subalit sa pagresponde ng mga bumbero at tauhan ng barangay nakasalubong nila ang papalabas na si Pandita na may dalang maleta kaya dinala sa barangay hall.

Habang abala ang mga tauhan ng barangay sa sunog, tumakas naman si Pandita na hinabol ng mga barangay officials at pulis sa 15th Avenue corner P. Tuazon Avenue, Brgy. Socorro, Quezon City.

Sa pagsisiyasat ng SOCO team mula sa QCPD-FU sa pangunguna ni PCpt John Agtarap, nakuha sa crime scene ang llave tubo, dumbbell at kutsilyo.

Isinasailalim na rin sa sa DNA test ang mga ebidensiya at sa mga bangkay ng mga biktima.

Nakuha sa dalang bag ng biktima ang ice pick, plain ticket, pera na nakalagay sa isang bag at iba pang personal na gamit.

Inaalam pa ng pulisya kung arson ang naganap na insidente.