NBI

Chop-chop victim na itinapon sa may NBI office lalaking drug suspek

March 6, 2024 Jonjon Reyes 110 views

AYON sa National Bureau of Investigation (NBI), ang natagpuang frozen na pira-pirasong katawan ng tao na itinapon sa harap ng tanggapan ng NBI-Bacolod City ay isang lalaki na sangkot umanon sa illegal na droga.

Hindi binanggit ang pagkakilanlan ng biktima at hinihintay pa mula sa technical division sa NBI Manila ang resulta ng pagsisisyasat.

Nauna nang sinabi ng NBI noong Marso 5 na ilalabas ang pagkakilanlan ng biktima kasunod ng ibinigay na lead ng impormante.

Itinanggi ni NBI Bacolod chief Renior Baldovino ang mga ulat na nagkaroon ng lamat sa pagitan ng dalawang ahente ng NBI Bacolod na maaring may kaugnayan sa kaso ng chop-chop na katawan ng tao.

Sinabi ni Baldovino na ang mga taong nag-iwan ng mga bahagi ng katawan sa harap ng tanggapan ng NBI ay posibleng gustong takutin o siraan sila dahil sa kanilang aktibong kampanya laban sa illegal na sugal.

Binigyan-diin din ni Baldovino na nagkataon lamang na ang CCTV camera sa NBI office ay nakapatay nang matagpuan ang mga body parts.

Kaugnay nito, bumuo na ng special team ang City Police Office na mag-iimbestiga sa pagtapon sa chop-chop na katawan ng biktima sa harap ng NBI office.

AUTHOR PROFILE