Default Thumbnail

Mababang plane fares tiyak pa rin

July 16, 2022 Jun I. Legaspi 420 views

Jun LegaspiSA KABILA ng patuloy na mga challenges ng pandemya at pagtaas ng aviation fuel worldwide tiniyak ng mga airline companies ng bansa na patuloy nilang pagsisibihan ang ating mga kababayan sa pinakamababang pamasahe upang makabiyahe local o international.

Sa weekly Broadcasters’ Forum tiniyak ni AirAsia Spokesperson Steve Dailisan na mananaliting “pinakambaba” pa rin ang “air fare” ng kanilang airline company.

Sinabi Sir Steve sa Transport@pasahero kilala ang AirAsia worldwide na may pinakamababang pasahe at hindi ito magbabago.

Katunayan anya positibo ang management na magdagdag pa ng mga malalaking aircraft para sa mga international flights at destinations sa Visayas at Mindanao.

Lumikha rin ng maraming trabaho ang AirAsia sa pagkuha na mas maraming mga crew cabins. Sa mga oras na ito mahaba ang pila sa kanilang Red Headquarters sa Terminal 3 at kasalukuyang sumasalang sa interview ang mga aplikante para maging crew cabins alinsunod sa expansion program ng company.

Sa nasabi rin weekly Broadcasters’ Forum pinaliwanag ni Cielo Villaluna, spokesperson ng Philippine Airlines (PAL) na daily na ang biyahe ng PAL sa Hong Kong.

Maging sa local destinations ay nagdagdag ng flights ang PAL.

Tanging ang bansang China lamang hindi pa bumibiyahe ang PAL dahil na rin sa isyu ng COVID-19, paliwanag ni Miss Cielo.

Sa mga far-flung areas kung saan mahina ang internet at mahirap ang communications at accessibility patuloy ang close coordination ng lahat ng PAL offices sa mga local government units (LGUs) upang mabilis na magparating ang anumang impormasyon na may kaugnayan sa pagbiyahe, ticketing at safety protocols.

Tiniyak din ni Miss Cielo na highly competitive ang pamasahe ng PAL at abot kaya ng lahat ng uri ng pasahero.

Patuloy din ang mga promos ng PAL at Cebu Pacific kaya hinikayat ng mga ito ang mga kababayan natin na laging silipin ang website ng nila para sa pinakabago at murang pasahe.

Sa mga airline company ng bansa (CEB, PAL at AirAsia) MABUHAY KAYO!. SALAMAT SA TUNAY NA DIYOS! ([email protected])

AUTHOR PROFILE