Grave Threat BAD MOUTH–Ito ang naarestong suspek ng mga operatiba ng MPD PS 9 matapos na magwala at manakot na papatayin ang kanyang mga kapitbahay. Kuha ni Jon Jon Reyes

‘Lumapit ka dito, papatayin kita ngayon’

September 2, 2023 Jonjon Reyes 222 views

ARESTADO ang isang 28-anyos na tambay sa mga tauhan ng Manila Police District-Malate Police Station 9 makaraang mag iskandalo at magbanta na papatayin ang mga nakapaligid sa kanya habang may hawak na kutsilyo noong Biyernes sa Malate, Maynila.

Nahaharap sa kasong grave threat at paglabag sa Omnibus Election Code (possession of bladed weapon) ang suspek na si Christopher Sagcal, ng Dolores St., Barangay 730, Zone 79; Malate.

Base sa ulat kay Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol, Station Commander, bandang 12:00 ng tanghali nang magwala ang suspek sa loob ng kanyang bahay.

Ayon sa report, habang nakatayo sa labas ng kanilang bahay at umiinom ng kape dumaan ang suspek at binangga umano ito sa balikat.

Sinundan pa ito ng suspek habang nagsisisigaw ng “‘Lumapit ka dito, papatayin na kita ngayon” at dito na nagsuntukan ang dalawa.

Isang barangay tanod na babae ang umawat sa dalawa at agad nitong pinaalam sa kanilang Barangay official na kung saan nagpatulong sa pulisya at natimbog ang suspek.

Narekober sa suspek ang patalim na may habang 13 pulgada.

AUTHOR PROFILE