Bangkay KAWAWA–Ang bangkay na nakitang nakalutang malapit sa Blk.5 Aplaya, Baseco Compound sa Port Area, Maynila.

Bangkay nakitang palutang-lutang sa Manila Bay

September 2, 2023 Jonjon Reyes 251 views

ISANG hindi pa nakikilalang lalaki na halos naagnas na ang katawan ang nakitang palutang lutang sa Manila Bay sa Blk. 5 Aplaya, Baseco Compound sa Port Area, Manila noong Sabado.

Tinatayang nasa edad 20 hanggang 25 anyos ang biktima, may taas na 5’5 hanggang 5’7 at nakasuot ng itim na jersey at itim na shorts.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Mike Gomez, Station Commander ng Manila Police District-Baseco Police Station 13, bandang 8:45 ng umaga nang iahon ang bangkay ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard.

Agad itong ipinagbigay alam sa naturang himpilan ng pulisya at inireport sa tanggapan ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Homicide Section at sa Forensic Unit para makilala.

AUTHOR PROFILE