Luis

Luis, isinumbong ni Jessy kay Ate Vi

March 3, 2022 Vinia Vivar 370 views

Ibinunyag ni Jessy Mendiola na kailan lang ay nag-away sila ng mister na si Luis Manzano at ang naging takbuhan niya para humingi ng payo ay ang kanyang mother-in-law na si Vilma Santos.

Sa bagong vlog na inilabas ni Luis bilang pagdiriwang sa first wedding anniversary nila, may mga tanong ang aktor kay Jessy at isa sa mga ito ay ano ang best marriage advice na narinig nito.

Sey ni Jessy, “Oh, my God, recent lang ‘to. It’s from your mom.”

Kwento ng aktres, may times talaga na nag-aaway sila ni Luis at ang mga kinakausap niya para hingan ng payo ay ang mommy niya, si Momski (Ate Vi) at ang Mommy Yam niya na itinuturing niya ring ina.

’Yung mommy niya ay hindi niya kasama kaya through text and call lang sila nag-uusap. Si Mommy Yam niya naman daw ay nasa Canada ngayon.

Kaya ang talagang pinakamalapit na nahihingan ni Jessy ng advice ay si Ate Vi.

Itong recent pag-aaway daw nila ni Luis, pinayuhan siya ni Ate Vi na habaan ang pasensya sa asawa.

“Recently lang ‘to, she gave me advice, tapos sabi niya sa ‘kin, ‘kilala ko ‘yang anak ko, he’s very stubborn, but please, Jessy, patience pa.’ Sinabi niya rin sa akin na ‘wala pa ‘yan, ‘yang nararanasan n’yo ngayon. One year pa lang kayong kasal,’” kwento ni Jessy.

As we all know, matagal nang kasal sina Ate Vi at Sen. Ralph Recto. Ani Jessy, “Siyempre, you would take advice from a couple na talagang ‘been there, done that.’”

Pinayuhan din daw siya ng biyenan na kailangan ng mag-asawa na magkaroon ng individuality at hindi dapat nakadepende o umiikot ang buhay sa sa isa’t isa.

“So, ‘yun ang sinabi sa akin ni Momski na ‘you also have to take care of yourself. Hindi pwedeng ibang tao lang ang inaalagaan mo pero ‘yung sarili mo, hindi mo inaalagaan.’ Sobrang importante ‘yung advice na ‘yun sa akin,” sey ni Jessy.

MarianALL IN THE FAMILY

Swak na swak si Marian Rivera na maging bagong celebrity endorser ng Shopee dahil mahilig siyang mamili online lalo na ngayong pandemic.

Sey niya last Wednesday sa virtual mediacon ng Shopee, ’pag may nagustuhan siyang items sa nasabing e-commerce platform ay hindi na siya nagdadalawang-isip na bilhin ito.

“’Di ba, sabi nga nila, kung ‘yun ang magpapasaya sa ‘yo, aba, i-check out mo na sa Shopee yan!” sey ni Marian.

Ang hilig daw niyang bilhin ay mga gamit sa kusina dahil mahilig siyang magluto.

“Mahilig kasi akong bumili ng mga butingting at kung anik-anik para sa kitchen namin kasi nagluluto ako, so, gusto ko maayos at maganda ‘yung mga gamit na kayang-kaya mo ang presyo,” aniya.
Proud si Marian sa nabili niyang basahan sa halagang P35.

Samantala, masayang-masaya si Marian na join na rin siya sa asawang si Dingdong Dantes at anak na si Zia sa pagiging ambassador ng Shopee.

Matatandaang ini-launch ang mag-ama as celebrity endorsers last November, 2021.

“Thankful ako kasi, ’di ba, hindi naman lahat, nabibigyan ng ganitong pagkakataon na makasama sa malaking pamilyang ito. At siyempre, natutuwa ako dahil kasama ko ‘yung asawa ko at saka anak ko dito ngayon sa Shopee. Kaya sobra-sobrang excited ako dahil nga 3.15 Consumer Day pa ang ipino-promote ko ngayon,” sabi ni Marian.

Bilang bagong brand ambassador, may sariling commercial si Marian. She will also appear in the 3.15 TV Special happening at 5 p.m. on March 15.

AUTHOR PROFILE