Valera

Sharon, bet ni Rey sa sariling musical

March 3, 2022 Ian F. Fariñas 555 views

ISA si Sharon Cuneta sa mga napipisil ng batikang composer na si Rey Valera na makasama sa musical na Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Musical.

Ang nasabing proyekto, na iba-bankroll ng concert producer na si Mhae Sarenas, ay ibabase sa mga pinasikat na awitin ng dating punong hurado ng It’s Showtime “Tawag ng Tanghalan.”

Ang multi-awarded scriptwriter na si Eric Ramos, schoolmate at malapit na kaibigan ni Ms. Mhae, ang naatasang gumawa ng libretto nito.

Sa pakikipag-usap sa ilang miyembro ng Society of Philippine Entertainment Editor (SPEEd) sa family-owned Bubbli Moo’re resto sa Malabon, ikinuwento ni Ms. Mhae na, “Before pandemic, may usapan kami ni Tito Rey na sa akin niya in-award ’yung Rey Valera musical. Magpapa-audition na kami pero hindi natuloy dahil sa pandemic. Kung magtutuluy-tuloy na ang normal talagang sitwasyon, this year ipapalabas ang musical.”

Dagdag niya, “Gusto ni Tito Rey na mag-appear siya sa musical. Ang balak niya, sa maliit na venue muna gaya ng Teatrino. Kasi, sabi niya, ‘Mag-expect tayo ng malaki, Solaire o ano, kaso lang, hindi pa natin alam ’yung crowd. Sabi niyang ganun. ‘So, mas maganda, mag-umpisa tayo sa maliit, after nito, ’pag napuno ‘yan… tuwang-tuwa tayo ’pag napuno.’”

Si Rey daw talaga ang nagbabato ng ideas dahil para sa songwriter, ’yun na ang legacy na maiiwan niya sa mundo.

“Sabi niya, ‘Ako, hangga’t ganito, medyo malakas pa ako, kumakanta pa ako, pero gusto ko, may maiwan ako. Inihabilin ko ito sa ‘yo.’

“Alam mo, nakakatuwa ’yun. Ang sabi pa ni Tito Rey, try lang niya raw kung papayag si Miss Sharon Cuneta na makasama sa musical,” dugtong na kwento ni Ms. Mhae.

Sa rami ng hits ni Rey, ilan dito ay ni-record ni Sharon, gaya nga ng Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko, Malayo Pa Ang Umaga, Kung Tayo’y Magkakalayo, Tayong Dalawa, Kahit Wala Ka Na, Sorry Na, Pwede Ba at Walang Kapalit.

“Sabi ni Tito Rey, ‘Kung papayag si Mega… kung papayag.’ Sa lalaking cast member, wala pang binabanggit si Tito Rey kung sino. Basta ang nabanggit lang niya before nu’ng nag-meeting kami, gusto niya, Sharon Cuneta.

“Nu’ng una, nu’ng nasa TNT (Tawag Ng Tanghalan) siya, balak naming kumuha ng TNT winners. Ngayon, sabi niya, ‘Sa Sing-Galing na tayo!’” natatawang sey ni Ms. Mhae.

AUTHOR PROFILE