Garafil

LTFRB nagbukss ng 133 non-EDSA route

August 17, 2022 Jun I. Legaspi 765 views

KABUUANG 133 non-EDSA route ang binuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng in-person classes, ayon kay Chairperson Atty. Cheloy Garafil.

Ito ang laman ng iniisyung Memorandum Circulars (MC 2022-067 at MC 2022-068) na epektibo Huwebes.

Ang mga routes ay nahahati sa 33 non-EDSA bus, 32 routes para sa UV express at 68 routes para sa jeepneys.

Ayon kay Garafil ang mga bus operators ay pwede nang mag apply ng special permit para makabiyahe na sila agad.

Ang mga jeepney naman na may existing valid CPC ay pwede ng bumiyahe sa kanilang mga dating routes, ayon sa LTFRB.

AUTHOR PROFILE