Default Thumbnail

Low budget fares ng airline firms malaking tulong sa ekonomiya

June 2, 2022 Jun I. Legaspi 306 views

Jun LegaspiWONDERFUL opportunitites! Ganito inilarawan ng mga pasahero ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa mga low budget fares na ibinibigay ng mga airline company sa bansa.

Dahil sa mga low budget fares, maaari nang puntahan ang mga “tourist spots” sa bansa. Maraming magkakamag-anak, pami-pamilya at magkakaibigan na matagal ng hindi nagkikita ang nagkaroon pa ng pagkakataon na magkasama sama muli dahil sa mga low budget fares.

Dahil sa volume at bilis ng turnout ng mga pasahero, sinabi ng mga airline companies na napakalaking tulong nito sa mabilis na pag-recover ng economy ng bansa.

Malaking tulong din sa local at international tourist industry ang pagdami ng mga bumibisita sa mga tourist spots ng bansa.

Maging ang mga local government units (LGUs) ay nakikinabang dahil lalaki ang mga revenues ng mga ito sa mga negosyante na magbabayad ng mga taxes. Kaya 100% full support ang mga LGUs sa mga low budget fares ng mga airlines.

Tulad ng ginawa ng AirAsia ng ilunsad nila ang pagbabalik ng flight sa Dumaguete. Katulong nila ang LGU, Department of Tourism at iba pang government agencies sa pagbibigay suporta sa nasabing pagbabalik biyahe.

Inilunsad din ng AirAsia ang kaparehang programa sa Zamboanga City katuwang din ang LGUs at iba pang ahensiya ng gobyerno.

Sa tulong ng tri-media (radio, TV, newspapers) at iba’t ibang mga social media platforms, pati bloggers ipinakita ang ganda ng Dumaguete at Zamboanga City.

Ayon nga sa isa nating kapatid sa industriya nagkaedad na siya, ngayon lamang nya napuntahan yung mga magagandang tourist spots ng bansa dahil sa low budget fares ng mga airlines.

Binibigyan natin ng kumendasyon ang mga pagsisikap at pagbibigay ng magandang serbisyo ng mga airline companies ng bansa (Philippine Ariline, Cebu Pacific at AirAisa) dahil tunay na napapasaya ninyo ang mga kababayan natin sa pagbibigay ng low budget fares. Naway ipagpatuloy nyo ito. Salamat rin at inuuna ninyo ang kaligtasan ng lahat.

Dahil na rin sa pagluwag ng mga restrictions sa pagpasok at paglabas ng bansa, nagdagdag pa ng mga flights ang PAL, CEB at AirAsia ng domestic at international flights. Paalaala ng mga airline companies sa kanilang mga loyal na pasahero laging bisitahin ang mga website nito para sa update ng flight schedules.

Para sa ating mga kapatid, kapamilya, kapuso sa industriya MABUHAY KAYO!([email protected])

AUTHOR PROFILE