Loren

Loren No. 1 sa Octa Research Survey

February 28, 2022 People's Tonight 483 views

NANGUNA si Deputy Speaker at dating Senator Loren Legarda sa TUGON NG MASA survey na isinagawa ng OCTA Research Survey sa pagitan ng February 12-17, 2022.

Naungusan ni Legarda ang kanyang mga katunggali pagka-senador matapos sabihin ng 66% o anim sa bawat sampung survey respondents na iboboto nila ang dating three term senator sa darating na halalan sa Mayo.

Sumunod naman kay Legarda sa top five ang broadcaster na si Raffy Tulfo (63%), dating House Speaker Alan Peter Cayetano (61%), Senator Migz Zubiri (60%) at Sorsogon Governor Chiz Escudero (59%).

Miyembro ng Nationalist People’s Coalition, si Legarda ay isa sa mga pambato ng UniTeam Alliance na pinangungunahan ng tambalan ni dating senador Bong Bong Marcos at Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

Kamakailan ay inendorso ni Pangulong Duterte si Legarda matapos purihin ang kanyang karanasan at mahabang serbisyo publiko. Ayon sa Pangulo, karapat-dapat ibalik si Legarda sa Senado dahil marami pa daw siyang matutulungang Pilipino.

Bilang tugon, nangako naman ang dating senador na higit niyang pagbubutihin ang tungkulin bilang mambabatas sakaling makabalik sa Senado.

Nitong nakaraang linggo, tatlong malalaking lalawigan ang nagpahayag ng all out support kay Legarda. Kabilang dito ang Ilocos Sur, Pampanga at Cebu.

Kasama sa kanyang mga pangunahing adbokasiya ang trabaho, tulong pangkabuhayan, pangangalaga sa kalikasan, climate change adaptation, edukasyon at kalusugan lalo na sa gitna ng umiiral na pandemya.

AUTHOR PROFILE