Loren

Loren No. 1 pa rin kasunod sina Villar, Zubiri

March 29, 2022 People's Tonight 373 views

Sa Octaresearch survey

NANANATILI sa unang pwesto sa mga senatorial candidates si dating senador Loren Legarda batay sa pinakahuling survey ng OCTAResearch.

Ginawa noong Marso 5-10, 2022, lumitaw sa naturang survey na nais ng 69 porsyento ng survey respondents na muling ihalal sa Senado si Legarda, kasunod ni dating public works secretary Mark Villar (66%), at senador Migz Zubiri (65%).

Sinundan naman ang tatlo nina Sorsogon govenor Chiz Escudero (63%); broadcaster Raffy Tulfo (62%); Taguig Rep. Alan Peter Cayetano (55%); dating senador JV Ejercito (44)%); aktor na si Robin Padilla (44%); dating bise presidente Jejomar Binay (39%); senador Win Gatchalian (39%); dating senador Jinggoy Estrada (37%); senador Joel Villanueva (33%); at senador Risa Hontiveros (31%).

Si Legarda ay tumatakbo bilang senador sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition na kaalyansa ng UniTeam ticket na pinangungunahan ni dating senador Bongbong Marcos.

Kasakukuyang kinatawan ng Antique at Deputy speaker sa House of Representatives pangunahing adbokasiya ni Legarda ang pangangalaga sa kapaligiran, climate change adaption, mga programang pagkabuhayan, pang-kalusugan at imprastraktura.

Ayon kay Legarda tutukan nya ang pagbuhay sa ekonomiya at paglikha ng trabaho para sa milyun-milyong Pinoy na nawalang ng hanapbuhay dahil sa pandemya.

AUTHOR PROFILE