LOL

‘LOL,’ ’di titigbakin

February 25, 2022 People's Tonight 377 views

SINUPALPAL ni Albee Benitez, producer ng noontime show na LOL, ang nagkakalat na sisibakin na ang show na napapanood sa TV5.

Si Benitez ang CEO ng Brighlight Productions na producer ng show.

“There is NO truth to the claim that our noontime show Lunch Out Loud (LOL) will go off the air anytime soon,” saad ni Benitez sa inilabas na official statement.

Ayon pa sa kanya, competitive ang LOL sa mga katapat na show at may okasyong nalamangan nito sa ratings ang kalabang show sa ratings nila mula sa Nielsen sa Visayas at Mindanao.

Kahit ang panahon ng pandemya, nalampasan naman nito nang mahigit isang taon.

Marami pang io-offer ang show sa publiko na “committed in giving fun, laughter and prizes to every household.”

Itinanggi na rin ng hosts na sina Alex Gonzaga at Bayani Agbayani ang tsikang sisibakin na ang LOL.

JO, JOJOWAIN SI LLOYDIE, PAKAKASALAN SI ALDEN

GIGISAHIN nina Booby at Tekla ang little person na si Jo Berry sa fresh episode ng GMA Sunday show na The Boobay and Tekla Show.

Sa teaser ng TBATS, nagpakita ng meme ng Kapuso actors sina Boobay at Tekla.

Nang lumabas ang picture ni John Lloyd Cruz, ang sagot ni Jo ay, “Jojowain!”

Pagdating naman sa picture ni Alden Richards, ang sagot ng bida sa Little Princess, “Pakakasalan!”

Watch ninyo this Sunday ang kuwelang episode na ’yan ng The Boobay And Tekla Show. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE