Jomari

The love story of Jomari and Abby

February 25, 2022 Aster Amoyo 2065 views

Jomari1Jomari2Jomari3Jomari4ANG kasabihang “First love never dies” and “Love is lovelier the second time around” ay muling nagkatotoo sa longtime partners na sina Jomari Yllana at Abby Viduya (a.k.a. Priscilla Almeda) who got reunited after 30 years of separation.

Parehong kinse anyos pa lamang noon sina Jomari at Abby nang sila’y unang magka-inlaban na tumagal lamang ng siyam na buwan. Aminado ang dalawa that it was love at first sight sa kanilang pagitan while doing the movie “Guwapings: The First Adventure” na dinirek ni Joey Javier Reyes under Regal Films in 1992.

Hindi ikinaila ni Abby na nagparamdam din umano sa kanya ang dalawang co-lead young actors sa “Guwapings….” na sina Mark Anthony Fernandez at Eric Fructuoso pero mas na-attract umano siya kay Jomari dahil sa mapangusap na mata nito.

“Si Eric kasi maloko nu’n at parang kuya-kuyahan naman ang turing ko kay Mark,” pag-amin ni Abby who is now 45 years old at kasing edad nina Jomari at Eric habang 43 naman si Mark, the youngest in the group.

Kung si Abby ay na-attract sa eyes ni Jomari, ang huli naman ay na-attract sa pagiging palangiti at mala-sutlang skin ni Abby.

Since mga bata pa sila noon, wala umanong pormal na ligawan sa kanilang pagitan pero nagkakaintindihan umano sila sa kanilang tinginan sa isa’t isa. Pero sila’y pormal na naging magkasintahan in Hong Kong nang magtungo sa nasabing bansa ang buong tropa ng “Guwapings” kasama ang Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde, ilang production staff, entertainment press at grupo ng Bench na pinangunahan ni Ben Chan. Magmula noon ay naging open na ang dalawa sa kanilang mga kasamahan at ipinakilala na ni Abby si Jomari sa kanyang pamilya at gayundin si Jomari. But when they were given their individual assignments ay pareho nang naging busy sina Jomari at Abby sa kanilang respective solo careers at dito na umano nagsimula ang unti-unti nilang paghihiwalay not because they don’t love each other anymore kundi dahil sa kanilang tight schedules ay nawalan na sila ng oras para isa’t isa hanggang tuluyan na silang nagkalayo and went on with their respective lives and solo careers.

Nanatili si Jomari sa bakuran ng Regal Films habang si Abby naman ay kinontratra ng kumpanya ni Robbie Tan, ang Seiko Films where she was transformed bilang sexy star at pinalitan ang kanyang screen name at ginawa itong Priscilla Almeda. Ang Seiko Films producer na si Robbie Tan ang nag-introduce kay Abby sa namayapang star builder at Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno at ito’y naging bahagi ng dating youth-oriented program na “That’s Entertainment” kung saan siya namalagi in less than two years.

Abby was launched sa sexy-drama movie na “Sariwa” ng Seiko Films na sinundan ng “Sabik sa Halik,” “Halimuyak ng Babae” at iba pa. She also starred in the movie “Sutla” in 1999 under Crown Seven Productions ni Jesse Ejercito.

Last movie naman na ginawa ni Abby ay ang “Batang West Side” in 2001 na dinirek ni Lav Diaz at tinampukan nina Yul Servo, Joel Torre at Gloria Diaz.

Abby was almost 17 years old when she found out that she was an adopted daughter ng kanyang kinagisnan at kinalakihang pamilya. Doon lamang niya nalaman na ang kanyang biological parents ay ang dating radio DJ na si Rudolf Rivera at Leah Bromley.

Although nakilala rin eventually ni Abby ang kanyang biological parents at hindi naman niya iniwan ang kanyang adoptive parents (who treated her just their own daughter), hindi niya ikinaila na nag-rebelde umano siya. Ito rin ang rason kung bakit napabayaan niya ang kanyang showbiz career, nagtrabaho sa Japan and eventually settled in Canada where she stayed until her showbiz comeback in 2019. She has an elder daughter (now in her 20’s) from a previous relationship and two kids sa kanyang huling partner in Canada.

Jomari was in his early teens nang siya’y magsimula sa showbiz following the footsteps of his elder brother, ang actor-comedian and also a politician na si Anjo Yllana.

Ang kanyang kauna-unahang pelikula ay nung siya’y 12 years old pa pa lamang nung 1989, ang “Regal Shocker: The Movie (Aparador)” na sinundan ng “Emma Salazar Case,” “Shake, Rattle & Roll III” at “Hihintayin Kita Sa Langit” all in 1991. Taong 1992 naman nang sabay-sabay silang i-launch nina Mark Anthony Fernandez and Eric Fructuso ng Regal Films sa bagong teen matinee idols na “Guwapings” sa pamamagitan ng “Guwapings: The First Adventure” kung saan mag-isa ang kanilang leading-lady, ang 15-year-old then na si Abby Viduya na bagong dating noon galing Canada where she was raised by her adoptive parents.

Naging instant teen matinee idols sina Jomari, Mark Anthony at Eric at nasundan ang “Guwapings: The First Adventure” ng “Guwapings Dos” in 1993 at pagkatapos nito ay pinaghiwa-hiwalay na sila ng Regal Films bilang solo artists.

Aminado si Jomari na nung kapanahunan ng “Guwapings” ay si Eric umano ang pinaka-popular sa kanilang tatlo kung pagbabasehan ang mga tili ng mga fans sa lahat ng lugar na kanilang pinupuntahan but as solo artists ay nagkaroon naman umano sila ng kani-kanyang tatak bilang young actors then.

Since anak si Mark Anthony ng yumaong action star na si Rudy Fernandez, agad napasabak ang young actor sa mga action movies while Jomari was mold sa yapak ni Richard Gomez. He even played the young Richard Gomez sa pelikulang “Hihintayin Kita sa Langit” na pinagtambalan ng dating magkasintahang Richard at Dawn Zulueta. Of course, Eric became another matinee idol at that time.

Since naputol na ang komunikasyon noon nina Jomari and Abby, they headed for their respective solo careers and eventually different relationships along the way.

When Jomari turned 22, he married young star then Aiko Melendez in 2000 but they ended up separating in 2003 at nagkaroon sila ng isang anak, ang 23-year-old young actor na si Andre Yllana. The young actor followed the footsteps of his equally popular parents.

Bago pinasok ni Jomari ang larangan ng pulitika, naunang naging public servant ang kanyang ex-wife na si Aiko na tatlong termino or siyam na taong nanilbihang konsehal ng ika-2nd district ng Quezon City (2001-2010). Taong 2016 naman nang kumandidato si Jomari sa pagka-konsehal ng unang distrito ng Paranque (along with good friend Vandolph Quizon) now serving their second term. The ex-couple are both running for councilor in their respective turfs sa darating na halalan. Si Aiko sa ika-limang distrito ng Quezon City in her political comeback habang si Jomari for his third and last term as councilor ng unang distrito ng Paranaque.

Matagal mang hiwalay na sina Jomari at Aiko ay kanilang napanatili ang kanilang pagiging magkaibigan dahil sa kanilang common bond, ang kanilang binatang anak na si Andre.

Samantala, sa tulong ng social media, muling na-rekindle ang komunikasyon nina Jomari at Abby in 2015. It was Jomari who initiated in reaching out kay Abby who was based at that time in Canada.

Sa tulong ng Facebook, Messenger, Viber, Instagram at Facetime naging constant ang communication ng dalawa kahit may iba pa silang ka-relasyon at that time. They communicated as friends at first and in March 2019 ay nagsimula ang kanilang LDR (long distance relationship) set-up. Until Jomari convinced Abby to return to the Philippines to give her showbiz career another try. In October 2019 ay bumalik ng Pilipinas si Abby na bitbit ang agam-agam at kaba kung ano ang naghihintay sa kanya sa kanyang muling pagbabalik sa Pilipinas plus the fact na iniwanan niya sa Canada ang kanyang tatlong anak at pamilya.

With a 19-hour flight from Canada (kasama ang 6-hour stop over in Hong Kong) pabalik ng Maynila, nanginginig na dumating ng Maynila si Abby nang ito’y salubungin sa airport ni Jomari. To calm her down, dinala ng actor ang kasintahan sa Baclaran church at doon lamang ito kumalma. In less than 24 hours after her arrival from Canada, the couple flew to Sydney, Australia to attend a wedding of the actor’s cousin. While in Canada (where they spent 6 memorable bonding days), ginugol ng dalawa ang pamamasyal at doon umano sila nag-catch-up sa isa’t isa after not seeing each other for 30 years.

To this day, getting stronger ang relasyon nina Jomari at Abby but not setting aside their respective responsibilities sa kanilang mga anak. May tatlong anak si Jomari at tatlo rin ang anak ni Abby sa past relationship. Given the opportunity, gusto pa rin ng dalawa na magkaroon ng sarili nilang anak . Unknown to many, nagka-miscarriage si Abby in 2020. Nasa plano rin ng dalawa na gawing legal ang kanilang pagsasama sa pamamagitan ng pagpapakasal pero wala pa umano silang definite plans about this.

When things get better, plano ng dalawa na dalawin nila ang pamilya at mga anak ni Abby sa Canada and eventually magkakilala ang kanilang respective children balang araw.

“We have six beautiful children. Kung mabibiyaan pa kami ng isang pa, it would be a blessing,” pahayag ni Jomari na bukas ang pintuan sa pagbabalik showbiz.

AUTHOR PROFILE