JLC

Lloydie at Willie, dumaan sa butas ng karayom

December 12, 2021 Vinia Vivar 232 views

Mainit at tipong nagbabaga ang pag-welcome ni Willie Revillame kay John Lloyd Cruz bilang isang Kapuso nang mag-guest ang aktor sa Wowowin kamakailan.

Matatandaan na nang unang mag-guest si Lloydie sa Shopee Special last June na ang TV host din ang nag-arrange, hindi pa siya official na Kapuso.

“Welcome sa Wowowin at welcome sa bago mong tahanan, of course, dito sa GMA-7, welcome!” sabi ni Willie kay Lloydie.

Nagpasalamat naman ang aktor kay Willie na siyang naging dahilan daw ng kanyang pagbabalik.

“Kung hindi dahil sa ‘yo, hindi lalakas ang loob ko, kung hindi dahil kay Direk Bobot (Mortiz), hindi mabubuo ‘yung kumpiyansa na bumalik. Kung hindi dahil sa pamilyang nabuo namin nina Direk Bobot, ’di ba, hindi mabubuo ‘yung nag-udyok sa akin na bumalik at magtrabaho ulit,” sabi ni Lloydie.

Ni-recall ni Willie na dumaan sila sa butas ng karayom ni Lloydie para maging smooth ang paglipat ng aktor.

First thing ay nagpaalam daw muna sila sa ABS-CBN president na si Carlo Katigbak.

“I’m thankful to Mr. Carlo Katigbak dahil pinagpaalam kita, naalala mo? Siyempre, ‘yung respect natin sa kanila, na sabi ko, magiging guest ka sa Shopee, and then, okay naman.

“In fairness to Mr. Carlo Katigbak, napaka-gentleman. Dignified na tao. ‘Willie, wala naman kaming (magagawa), hindi ko naman siya pwedeng pigilan, siya naman ang pwedeng magdedisyon niyan.’

“Kaya, Carlo Katigbak, sir, maraming salamat, now he’s part of, dito na, magkasama na kami, with, of course, your permission,” sabi ni Willie.

Mahaba ang oras na ibinigay ni Willie kay Lloydie para na rin makapag-promote ito ng sitcom nito sa GMA-7 na Happy To Get Her na magsisimula na sa Dec. 26.

KAPUSO SITCOM, INAABANGAN

Sakto ngayong Kapaskuhan, opisyal nang inilabas ang teaser plug ng much-awaited sitcom ni Lloydie sa GMA Network na Happy To Get Her nitong Lunes.

Matatandaang nitong nakaraang buwan ay pumirma ang Box-Office King ng partnership deal sa Kapuso Network para sa kanyang gagawing sitcom sa ilalim ng direksyon ni Wacky Solutions, Inc. director and line producer Edgar “Bobot” Mortiz.

Bumuhos naman ang excitement at saya sa comments section ng naturang teaser mula sa fans ng multi-awarded actor lalo pa at ito ang magiging comeback project ni Lloydie matapos ang ilang taon niyang hiatus sa showbiz.

Anang isang netizen, “Grabe, hindi pa rin nagbabago si John Lloyd. Lakas pa rin talaga ng appeal sa pagpapasaya at pagpapakilig. Even as a new Kapuso, it was obvious na kumportableng-komportable na siya with his new friends sa GMA at sa kanyang pagbabalik eksena.”

Komento pa ng isa, “Ito talaga ‘yung inaabangan kong comeback! Super happy na JLC is really back on screen to showcase his comedy side. For sure, isa ito sa mga magiging favorite feel-good sitcom ko!”

Kaabang-abang naman talaga ang nalalapit na pagbabalik-telebisyon ni Lloydie sa Kapuso Network pati na rin kung sinong artists ang makakasama niya sa Happy To Get Her.

AUTHOR PROFILE