Barbie at Diego parehong may ibubuga sa pag-arte

December 13, 2021 Aster Amoyo 401 views

Barbie1PAREHONG may ibubuga sa pag-arte ang magkasintahang Diego Loyzaga (26) at Barbie Imperial (23) na kanilang ipinakita sa kanilang first team up sa pelikulang “Dulo” mula sa panulat at direksiyon ni Fifth Solomon under Viva Films and currently streaming sa number one Pinoy app, ang Vivamax. Ayon sa marami, may pinaghugutan ang dalawa dahil na rin sa kanilang personal experiences at an early age.

Sina Diego at Barbie ay parehong nagmula sa hindi buong pamilya. The young actor being the son of actor, director and movie producer Cesar Montano at ang veteran actress na si Teresa Loyzaga. Habang ang ex-PBB housemate-turned actress ay isinilang, lumaki at nagkaisip na nanirahan sa gilid ng tren sa Daraga, Albay without seeing her biological father. Both also experienced being broken-hearted.

Napaka-natural ng ipinakitang acting nina Diego at Barbie sa “Dulo” at hinangaan ang dalawa laluna sa kanilang confrontation scenes.

Kapupulutan ng aral ang pelikula na ang tema ay madalas mangyari sa mga young couples na pumapasok sa isang relasyon na hindi pa handa na harapin ang hamon ng buhay at dito nagsisimulang maging kumplikado ang kanilang relasyon at pagsasama.

Samantala, kamakailan lamang ay nag-out of town sina Diego at Barbie to celebrate their first anniversary as a couple. Sana lang huwag silang matulad sa ibang magkasintahan na nauwi sa hiwalayan. Nakikita ng marami kung gaano ka-in love sa isa’t isa ang dalawa ngayon na pareho na ring nakaranas ng failed relationships in the past. The actor is also hoping to reconcile with his biological father kung kanino siya nagkaroon ng problema.

Thankful din si Diego sa kanyang present home studio, ang Viva dahil magmula nang siya’y mag-sign-up with Viva ay naging sunud-sunod ang kanyang proyekto.

AngelineAngeline hindi maitatago ang identity ng nakabuntis

GUSTUHIN man ng singer-actress na si Angeline Quinto na itago ang identity ng kanyang non-showbiz boyfriend at ama ng kanyang ipinagbubuntis ngayon , hindi ito mangyayari nang matagalan dahil ang netizens na mismo na nakakakilala sa guy ang tiyak na magbibigay ng impormasyon.

Three years younger umano ang nobyo ngayon ni Angeline, single pero may dalawa umanong anak sa magkaibang babae at isa umanong casino dealer. Marami ang nakakakilala sa identity ng non-showbiz boyfriend ng singer-actress kaya malamang na ibunyag na rin ng netizens ang real identity nito.

In love si Angeline kahit alam niyang may pagka-kumplikado ang kanilang relasyon ng kanyang boyfriend ngayon. Sooner or later ay malamang magsalita na rin ang dalawang ina ng mga anak ng nobyo ngayon ni Angeline na alam naman ng lahat na hindi nakaranas ng pagmamahal mula sa kanyang biological parents.

CaraCara malaki ang pag-asa

AFTER watching Cara Gonzales in Brillante Mendoza’s erotic film “Palitan,” puwede itong sugalan ng Viva in other films dahil bukod sa marunong itong umarte for a beginner ay maganda ang rehistro nito sa screen.

Si Cara ay ipinakilala sa “Pornstar 2: Ikalawang Putok” mula sa panulat at direksiyon ni Darryl Yap” at second movie niyang itong “Palitan” kung saan siya sobrang daring.

Inamin ang sexy actress-entrepreneur na nagmula umano siya sa isang conservative family at mag-isa lamang siyang babae sa kanilang magkakapatid.

Kahit nagpapa-seksi at naghuhubad si Cara sa pelikula, ipinagbilin ng kanyang businessman father na huwag umano itong magpapahawak sa kanyang boobs sa movie. Hindi rin kaya ng sexy actress na ipapanood sa kanyang pamilya na nasa construction business ang kanyang mga pelikula dahil sa kanyang mga daring scenes. Pero inamin ng sexy actress na stepping stone lamang umano niya ang papapaseksi para siya’y makilala pero gusto niyang makilala balang araw bilang isang seryosong aktres at hindi lamang pagpapa-sexy at paghuhubad ang kaya niyang gawin.

ArnelArnell masalimuot pero masaya ang buhay

HINDI madali ang trabaho ng isang deputy administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na siyang ginagampanang posisyon ngayon ng kilalang singer, actor, comedian, host at businessman na si Arnell Ignacio. But more than his salary (na napakaliit), ang kanyang passion sa pagtulong sa ating mga kababayang OFW’s na nahaharap sa iba’t ibang problema ay hindi umano mapapantayan ng halaga.

Humaharap si Arnell sa napakaraming concern ng mga OFW’s at madalas din ang kanyang biyahe sa iba’t ibang bahagi ng Middle East kung saan maraming problema sa ating mga kababayan sa kanilang pinapasukang trabaho laluna ang mga domestic helpers.

Si Arnell ay may isang 25-year-old daughter na si Sofia sa kanyang ex-wife na si Frannie na isa na ring negosyante katulad niya.

“I’m so proud of my daughter na napaka-independent at business-minded,” pagmamalaki ni Arnell na kasama sa cast ng pelikulang “Mahjong Nights” now streaming on Vivamax.

Sa kabila ng kanyang challenging role as OWWA Deputy Administrator, open pa rin siya sa kanyang showbiz career.

Arnell was in his early 20s nang siya’y palayasin ng kanyang parents when they found out that he was gay. But Arnell took it as a challenge na harapin ang hamon sa kanyang buhay at ipinakita niya na kaya niyang tumayo on own. Years later, it was his (late) father who reached out to him and reconciled with his family na napawalay sa kanya ng maraming taon. Tinanggap na rin ng kanyang pamilya ang kanyang sexual preference.

Although matagal nang hiwalay si Arnell sa kanyang ex-wife at ina ng kanyang kaisa-isang anak na si Frannie, they remain friends hanggang ngayon. Wala ring plano ang singer, comedian, host na ipa-annul ang kanilang kasal unless si Frannie na rin mismo ang mag-request nito.

Sa lahat ng mga naka-relasyon ni Arnell, ang kanyang ex-wife umano ang pinakamatagal niyang naka-relasyon. They lived together for 12 years pero nung magdesisyon silang magpakasal, five days after ay nagkahiwalay sila.

“I was at fault,” pag-amin niya. “I should have worked on our marriage,” may tonong pagsisisi na inamin ni Arnell.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE