Default Thumbnail

Libong PH workers vs isara POGO

October 26, 2022 People's Tonight 258 views

UMALMA ang libu-libong manggagawang Pinoy sa panukala na ipasara ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO sa bansa.

Ayon sa samahang Pinoy sa POGO, ang tunay na ‘social cost’ ay tanggalan ng trabaho at gawing tambay ang libu-libong Pinoy na nagta-trabaho sa POGO bilang encoders, dealers, housekeeping, drivers, cooks at waiters. “Ang tunay na ‘social cost’ ay mahiwalay sa aming pamilya pag napilitang mangibang-bansa,” diin ni Santa Cruz.

Maraming manggagawang Pinoy sa POGO ang nalulungkot dahil ‘di nila tiyak kung may trabaho pa sila habang papalapit ang pasko.

Binatikos din POGO workers ang umano’y panggigipit sa mga lehitimong POGOs at service providers na nagbabayad ng tamang buwis at lisensiya sa pamahalaan.

“Bakit kaming may regular na trabaho ang gusto nilang tanggalan ng hanapbuhay? Kaya ba nilang suportahan ang aming mga pamilya?” tanong ng grupo. “Naaawa sila sa mga Tsino ngunit hindi sila naaawa sa mga Pilipino at mga kabataang nabibiktima ng mga online text at gaming scams na kumakalat sa bansa.”

AUTHOR PROFILE