Publicus Asia survey: Leni No.1 di maaasahang gov’t exec
NANGUNGUNA na ngayon si Leni Robredo pero hindi sa mga survey results, kundi sa pagiging may pinakamasamang rekord sa limang pinakamataas na opisyal ng bansa.
Sa totoo lang ay bagsak na grado ang ibinigay ng taumbayan sa kanya patungkol sa ‘approval ratings’ ng limang top government officials.
Ito’y matapos lumabas sa resulta ang pinakabagong nationwide survey ng PUBLiCUS Asia na ginawa noong March 30-April 6 kung saan ay nakakuha si Robredo ng -9.9%.
Kinuha ang survey mula sa 1,500 respondents.
Lumabas na sa limang matataas na puwesto sa gobyerno, si Robredo lamang ang nag-iisang nakakuha ng negatibong marka kung saan ay nakakuha pa rin ng mataas na 52.0% si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa tanong na: “How would you rate the overall performance of the following (top officials) over the past 12 months?,” si Robredo ay mayroon lamang na 32.3% na ‘approval,’ at ang ayaw sa kanyang ‘performance’ ay umabot ng 42.2 % na nagresulta upang maging negative 9.9 % ang net approval nito.
Si Senate President Tito Sotto ay nakamit ang 38.0 approval rating at 22.2% disapproval rating.
Dahil dito, si Sotto ay may +15.8 ‘approval rating.’
Si Speaker Allan Velasco ay may 23.8% approval rating at 21.5% disapproval dahilan upang ang net approval rating nito ay +2.3 %.
Sa kabilang dako, si Chief Justice Alexander Gesmundo ay may approval rating 23.7%, at disapproval na 15.5 %. Ang kanyang net approval rating of +8.2%, ayon pa sa report.
Bunsod nito, naniniwala ang ilang political analysts na isa rin ang dahilan ng lagpak na marka ni Robredo kaya malabo na itong manalo pa sa darating na May 9elections.
“For some inexplicable reasons, the people could see something undesirable and sinister about her. Parang nararamdaman kasi nila na parang may halong pagkukunwari at hindi bukal sa loob ang mga ginagawa at sinasabi niya,” anang isang ‘behavioral analyst’ na ayaw nang magpabanggit ng pangalan.
Isa pang political analyst ang nagsabing ang ‘disapproval ratings’ na ibinigay ng taumbayan kay Robredo ay pangitain din na ito dahilan kung kaya iba’t ibang gimik, pakulo at paninira sa mga kalaban ang ipinapalabas ng kampon ng dilawan para lamang palabasin itong matino.
“The verdict was in. There is a great likelihood that she is bound to loss in the coming elections and the sad part was that it would not be just another loss, it could be a humiliating loss in more ways than one,” sabi pa ng analyst.