LCSP sa DOTr, IATF: Salamat sa tuloy na public transport

August 4, 2021 Jun I. Legaspi 268 views

TAOS sa pusong pasasalamat!

Ito ang ipinaabot ng commuter at transport groups sa Department of Transportation at Inter-Agency Task Force (DOTr-IATF) sa hindi pagsuspindi sa operation ng public transportation.

“Maraming salamat sa DOTr at IATF. Malaking bagay na walang suspension ng public transportation,” aani Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa isang interview.

Pinaala.ahanan di ni Inton ang mga pasahero, drivers, conductors at mga operators na mahigpit na sundin ang lahat ng safety protocols na ipatutupad ng DOTr at IATF.

Nagpaalala din si Inton sa mga tricycle tricycle drivers at operator associations sa buong bansa na sumunod sa mga ordinances na ipinatutupad ng mga local government kaugnay sa pamasahe sa tricycle sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ) simula sa August 6 hanggang 20, 2021.

Ayon sa existing policy, P20 ang pamasahe sa bawat trip at isang pasahero lamang at walang backrider ang pinapayagan.

Tiniyak naman ng Manila 1 TODA Federation at Metro Manila TODA associations na susunod sa sila sa itinakdang pamasahe ng mga LGUs sa panahon ng (ECQ).

AUTHOR PROFILE