inton

Transport marshals dapat alam sino-sino mga APOR

August 6, 2021 Jun I. Legaspi 529 views

LCSP: Para walang problema sa checkpoints

MARIING nanawagan ang isang commuter at transport advocate sa mga transport marshals na dapat alam nila kung sino-sino ang mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) upang hindi magka-problema sa mg checkpoints.

Ang panawagan ay ginawa ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) para maiwasan ang posibleng kalituhan sa mga checkpoints habang ipinapatupad ang dalawang lingong enhanced community quarantined (ECQ) August 6-20, 2021.

Ayon kay Inton, dapat ding maging mahinahon ang lahat ng mga transport marshals sa mga checkpoints.

“Mahalaga ito dahil sa ang policy na inilabas ng Department of Transportation (DOTr) ay tanging APOR lamang daw ang maaaring sumakay sa mga public transportation,” saad ni Inton.

Alinsunod sa payo ng DOTr, dapat na ihanda ang ID o ano mang dokumento na dapat ipakita sa mga transport marshals para sa maayos na pagpapatupad sa mga checkpoints, ayon pa kay Inton.

“Limang classification ang inilabas Inter-Agency Task Force (IATF). Pero pumili po ang tayo ng ilan na sa tingin ko ay dapat maging malinaw sa mga magpapatupad ng ECQ. Halimbawa ay ang veterinary, food preparation and water refilling, pati na health amd dental clinic employees,” ani Inton.

Nilinaw ni Inton na kasama sa mga APOR ay mga personnel traveling for medical and humanitarian reasons, individuals preferably 21 to 59 years old availing essential goods and services, lawyers who will provide legal representations at immediate family members of the deceased who died of causes other than COVID- 19.

“Ilan lamang halimbawa ang mga ito na APOR. Tanong alam ba ng lahat ng enforcers ang list ng APORS?,” ani Inton.

Ipinaliwanag din ni Inton na dapat alam ng mga transport marshals na isang pasahero lamang at walang backrider sa mga tricycle, habang 50 percent seating capacity, one seat apart at no standing sa mga bus, pati jeep.

Dagdag niya na sa TNVS at taxi ay bawal ang pag share ng ride ng hindi magkakilala.

\“Two passengers only. One passenger sa driver’s row. Sa UV Express ay two passengers per row and not exceeding 50 percent capacity. One passenger lang sa drivers row,” saad pa ni Inton.

AUTHOR PROFILE