Inton

LCSP: Public vehicles ‘wag isali sa coding

November 23, 2021 People's Tonight 673 views

NAKIUSAP ang commuter at transport group sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nahuwag nang isali sa coding ang public vehicles.

Ito ang pakiusap ni Atty. Ariel Inton founder ng Lawywers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa balitang plano ng MMDA na ibalik na ang coding scheme dahil sa tumitindi na ang traffic sa Metro Manila.

Ayon kay Inton, nandyan pa rin ang banta ng COVID-19 ayon sa mga eksperto, lalo na sa public transport.

“Kulang na kulang na ang public transport, may 70 percent passenger capacity limit pa at mababawasan pa ng 20% ang masasakyan kung paiiralin ang coding. Ang magiging resulta nyan ay pahirap sa pasahero, punuan sa sasakyan, mawawalan ng social distancing na panganib sa kalusugan. Huwag na muna natin bawasan ang masasakyan dahil mas kailangan ng tao ang sapat na supply ng public transport sa mabilis na mobility ng lahat,” ani Inton.

Ayon kay Inton mas mainam na ayusin muna ang daloy ng trapiko sa mga lansangan upang makaluwag-luwag sa mga motorista.

AUTHOR PROFILE