Sarah

‘Landian’ nina Sarah at Matteo sa concert, pinuna ni Regine

May 13, 2023 Ian F. Fariñas 297 views

CONGRATULATIONS, my love!” ang naging pagbati ni Matteo Guidicelli sa misis niyang si Sarah Geronimo para sa katatapos na record-breaking at highly successful 20th anniversary concert nito sa Araneta Coliseum.

Sa libu-libong pumuno ng venue, wala na nga sigurong pinaka-proud at pinakamasaya nu’ng gabing ‘yon kundi si Matteo.

Mahigit apat na oras tumagal ang sold out performance. Pero talagang walang nainip at nagtumodo-party ang audience sa espesyal na repertoire na inihanda ng team Viva Live at G Productions sa ilalim ng direksyon nina Sarah at Paolo Valenciano.

Siyempre, kinanta ng Popstar Royalty ang signature hits niyang Tala (na binigyan ng bagong choreography), 2023 version ng Sa Iyo, Dati Dati, How Could You Say You Love Me, Forever’s Not Enough, Isa Pang Araw at marami pang iba.

Isa ang Asia’s Songbird sa mga naging guest ni Sarah. May special relationship ang dalawa dahil matatandaan na si Regine Velasquez ang host ng Star for a Night search kung saan nagwagi si Sarah bilang grand champion noong 2003.

Naaliw ang crowd nang punahin ni Regine ang aniya’y panay “landian” nina Sarah at Matteo at lalo pa silang nagsigawan ng bitawan niya ang tanong na “Virgin ka pa ba?” kay Sarah.

Bukod kay Regine, nag-perform din sina Sam Concepcion, Billy Crawford, atbp.

Hindi rin nabitin ang AshMatt fans dahil pumayag bagong Kapuso artist na makipag-duet kay Sarah ng The Gift.

Bukod sa vocal power, world-class stage at kakaibang stamina, isa sa naging highlights ng Sarah G. The 20th Anniversary Concert ang tribute number ni Sarah na Habang May Buhay para sa kanyang mga magulang na sina Mommy Divine at Daddy Delfin.

AUTHOR PROFILE