Heart

Isyu kina Dra. Belo at Alex, sinagot ni Heart

May 13, 2023 Vinia Vivar 193 views

Sa wakas ay nakapanayam na rin ng King of Talk Boy Abunda na si Boy Abunda si Heart Evangelista. Noon pa ay dream na niya talagang ma-interview ang aktres.

Last Friday napanood sa TV ang guesting ni Heart sa programa ni Kuya Boy at isa sa mga napag-usapan nila ang napabalitang marital problems na pinagdaanan ni Heart at ng asawang si Chiz Escudero.

Bagama’t hindi na idinetalye ni Heart kung ano talaga ang naging problema, ayon sa Queen of Creative Collaborations, lahat naman ng tao ay dumaraan sa problema.

“Not just with marriages, friendships, with people you work with, everybody goes through problems you know. And I felt that as individuals, even if you’re married or even if you’re committed to someone, or a friend or whatever, you really have to go through certain things and deal with them alone and really ponder about what you want in life,” pahayag ni Heart.

Ang maganda raw kay Chiz ay nirespeto nito ang lahat ng seasons na kanyang pinagdaraanan.

“Chiz and I, you know, he’s 15 years older than me and I’m a late bloomer and there’s just some things that I discovered and that’s why it works kasi he’s so supportive. And I really appreciate them because of that. His love is very unconditional and that’s why we’re okay,” aniya.

Hindi naman naiwasang maging emosyonal ni Heart nang mapag-usapan nila panahong nagkaroon siya ng miscarriage sa kanyang ipinagbubuntis na kambal noong 2018.

Aniya, sa kabila ng nangyari ay thankful pa rin siya dahill kahit sandali ay naiparamdam sa kanya ng kanyang mga ‘angel’ ang pagiging isang ina.

“The idea in what my angels made me feel, that’s good enough for me,” naluluha niyang wika.

Sa ngayon daw ay hindi na niya ipinipilit pa ang mga bagay-bagay. Kung bibigyan siya ng anak ay okay sa kanya.

At one point ay naitanong ni Kuya Boy kay Heart ‘yung tsikang dinedma niya sa Paris Fashion Week sina Dra. Vicki Belo and Alex Gonzaga.

“Hindi ko naman siya nakita,” kaswal na sabi ni Heart.

Naka-focus daw siya sa show at paliwanag pa niya, “I’m not there to chit chat. I’m not there to immerse myself with what… you know. Again, baka sa mga hindi nakakaintindi, but it’s art and you appreciate art. And for me, ‘yun talaga ‘yung hilig ko, eh. So, talagang nagpo-focus, especially, it was a Gucci show.”

Isa pang nalinaw ni Heart, hindi totoong sa Paris na siya maninirahan kahit pa bumili na siya ng apartment doon.

“Ano naman ang gagawin ko du’n? Paano na ang kabuhayan showcase? Hindi ko naman pwedeng iwanan (ang Pilipinas). Philippines is my home. Paano na ‘yung mga aso ko? Aso talaga? Siyempre si Chiz, pumupunta rin sa Paris,” she said.

AUTHOR PROFILE