Crime

Lalaki patay sa pamamaril, 2 babae sugatan

September 15, 2023 Gil Aman 301 views

PALAISIPAN sa mga pulis ang pagkamatay ng isang lalaking bagong laya sa kulungan at pagkakasugat ng dalawang babae matapos barilin ng dalawang suspek pagbaba ng sinasakyang van sa Bgy. Pansol, Calamba City, Laguna Huwebes ng gabi.

Kinilala ni PLt. Col. Milany Martirez, hepe ng Calamba City police ang nasawi na si Jerome Timoteo.

Sugatan sa pamamaril sina Ken Arvie Liad Libardo, 33, at Dayline Dela Cruz Taclay, 53.

Sakay din ng Sta Fe van (PQY-665) ang dalawa pang kasama ng nasawi na sina Kashmir Cudiamat at Johnsen Carsa Cruz.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, binaril ang mga biktima dakong alas 11:48 nang bumaba para bumili sa isang convenience store sa Pansol, Laguna.

Binaril ang tatlo matapos bumaba sa convenience store at biglang sumulpot ang mga suspek sakay ng kulay gray na Suzuki Swift.

AUTHOR PROFILE