Honey Lacuna Sa pangunguna ni Vice Mayor Honey Lacuna ay matatangap ng mga senior citizens ang kanilang mga finak assistance para sa mga buwan ng July hanggang September ngayong taon. Kuha ni JON-JON REYES

Lacuna: Tuloy ang ayuda, serbisyo sa Manilenyo!

September 23, 2021 Francis Naguit 400 views

NAGPASALAMAT si Manila Mayor Francisco Isko Moreno at Vice Mayor Honey lacuna sa mga kawani ng Department of Engineering and Public Works (DEPW) sa kanilang mabilis na pagkilos upang mapanatili ang kaayusan at kaaliwasan ng lungsod!

“Good job Engr. Armand Andres at sa lahat ng kasamahan mo sa DEPW sa inyong di matatawarang sipag at dedikasyon! Keep it up!,” ani Moreno at Lacuna.

“Hindi po kami tumitigil na tupdin ang ating layunin na magkaroon ng mas maaliwalas at mas maraming green spaces dito sa Lungsod ng Maynila.Sa tulong ng mga kawani ng Public Recreations Bureau, napaganda ang lugar ng Vitas Skatepark! Naglagay po ng tayo ng mga halaman, alinsunod sa ating pangarap para sa bawat Batang Maynila. lubos din ang pasasalamat ni Yorme Isko kay Direk Pio Morabe sa kanilang continuous effort para mapaganda ang ating minamahal na lungsod ng Maynila,” ani Lacuna.

Sa pangunguna ni Lacuna naipamahagi ang ayuda sa mga lolo’t lola sa District I para sa mga buwan ng July hanggang September 2021. “Tinatayang nasa 39,582 na senior citizens po ang ating mabibigyan ng financial assistance na nagkakahalaga ng P1,500 bawat isa lubos naman ang pasasalamat ng mga lolo’t lola, “ ayon kay kay Moreno at Lacuna. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE