Proud Malabonian Movement ilulunsad

September 23, 2021 Edd Reyes 541 views

ILULUNSAD ngayong Sabado, Sept. 25, ng mamamayan ng Malabon City ang “Proud Malabonian Movement na maaaring daluhan ng mga Malabonians sa pamamagitan ng live sa Facebook page ng “I Heart Malabon”.

Pangungunahan ang salu-salo ng mga lider ng bawat sector sa natasabing lungsod kabilang sina Merlyn Robes, Convenor – Transport Cluster at Federation President ng FEMAPODA; Recy Ann Bautista, Convenor – Workers Cluster at presidente ng Samahang Fisherfolks ng Malabon; Wilhelmina Magdaluyo, Convenor – Institutional Cluster at presidente ng Ladies’ Brigade Federation President; Ed Antoja, Convernor – Special Needs Cluster at Federation Vice President ng Colours de Malabon at si Meliza Pili, Lead Convenor at Federation President ng Samahan sa Malabon ng mga Kababaihang Kalipunan ng Liping Pilipina (SAMAKA-KALIPI).

Sa nasabing online na pagtitipon ay inaasahang ilalatag ng mga samahang ito ang kanilang mga layunin, adhikain at maging ang mga programang nais isulong partikular sa bawat sector na kanilang kinakatawan. Hangad ng bawat lider na siguraduhing maipagpapatuloy ang pag-asenso ng bawat Pamilyang Malabonian, anumang sektor man ang kanilang kinabibilangan.

“Ang mga sektor ay nagtipon-tipon upang siguraduhing na lahat ay may oportunidad sa pag-asenso. Pinapakita ng online event na ito ang pagkakaisa ng ating mga kababayan dahil lahat tayo ay Proud Malabonian!” paglalahad ni Ed Antoja.

“Hindi rin namin inaasahan na dadagsa ang suporta sa amin ng ating mga kababayan. Nakakatuwa dahil parami nang parami ang gumagamit ng aming frame sa kanilang mga profile sa Facebook bilang pakikiisa sa paglulunsad ng Proud Malabonian Movement. Talagang nakaka-proud maging Malabonian,” bunsod rin ni Meliza Pili na isa ring Lead Convenor.

Samantala, inaasahan naman na ihahayag ng grupo ang kanilang susuportahang kandidato sa pagka-Mayor sa darating na 2022 elections na ayon sa kanila ay ang lider na tiyak na maipagpapatuloy ang napakaraming mahusay at epektibong programa at proyekto para sa kapakanan ng mga taga-Malabon.

AUTHOR PROFILE