Aljur

Kylie nakukuha na ang simpatiya ng publiko

October 26, 2021 Joey Aquino 311 views

PINAGPIPIYESTAHAN ang hiwalayan ng celebrity couple na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Sila rin naman ang may kagagawan nito dahil kaliwa’t kanan ang pagpapainterbyu ng dalawa. Bukod pa rito, wala rin silang tigil sa kaka-post ng kanilang saloobin sa kani-kanyang social media.

Sino nga ba ang unang nangaliwa? Yan ang pilit na pinapalutang ng bawat isa. Sa kulturang Pinoy, mas hinuhusgahan ang babae pag ito ang nangaliwa. Aminin o hindi, pogi points pa sa isang lalake ‘pag ito ay nambabae. ‘Yan ang tinatawag nating double standard.

Ilang araw bago umere ang interview ni Jessica Soho kay Kylie, nauna nang naglabasan ang interview kay Aljur ng entertainment press nang ma-korner siya sa presscon ng kanyang pelikulang Manipula. Sa kanyang mga pahayag, wala naman bago dahil paulit-ulit lang naman ang kanyang argumento tungkol sa kanilang paghihiwalay. But his pronouncements were immediately overshadowed when Kylie’s interview aired on Kapuso Mo, Jessica Soho. Accordingly, she never flirted out during the time of their marriage. Matatandaan na mutual daw ang kanilang paghihiwalay, gaya ng nakasaad sa post ni Aljur sa kanyang Facebook. Ayon naman sa pahayag ng aktor, sabay daw sana silang magpapa-interview tungkol sa kanilang paghihiwalay. Ngunit nauna itong kinumpirma ng ama ni Kylie na si Robin Padilla.

Sa interview ni Kylie sa KMJS, marami ang humanga sa kanya dahil sa katatagan niya. Sobrang confident siya sa kanyang stand. Alam niya kung saan siya nakatayo. At kahanga-hanga na hanggang ngayon wala siya binabanggit na pangalan ng nali-link kay Aljur. Obvious na pilit pa rin niyang pinuprotektahan ang kanyang mga anak. Mukhang nakuha niya ang simpatiya ng publiko. Sa totoo lang, mas maingay pa sa isyu itong si Aljur.

Ngayon na nagpahayag na ang dalawa, saan kaya hahantong ang isyung ito? Or will this just die a natural death? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at [email protected]

AUTHOR PROFILE