Kylie

Kylie, naaawa na kay AJ: Tama na, guys, hindi po talaga siya

February 27, 2023 Ian F. Fariñas 357 views

NAISIP pa ni Kylie Padilla na baka mapagalitan siya ng GMA Network dahil inabsuwelto na niya si AJ Raval sa hiwalayan nila ni Aljur Abrenica.

Sa isang bagong live video sa Facebook, tinuldukan at direkta nang nilinis ni Kylie ang pangalan ni AJ sa kinasasangkutang kontrobersiya.

Sana raw ay tigilan na ng bashers ang sexy star dahil wala talaga itong kinalaman sa pagkasira ng pamilya nila.

Pagod na rin daw si Kylie sa “kabit” isyu at walang katapusang paninisisi ng netizens kay AJ.

Anang Kapuso actress, “Sa totoo lang po, guys, pagod na pagod na po ako sa kwentong lumalabas na kabit ganyan, ganito ganyan. Guys, tapos na po ‘yung kwento and I’m in my new chapter of my life, sa totoo lang po talaga. Ayoko na pong nakikita ‘yung pangalan ko… ‘yun ‘yung puro mga tabloid na nakikita ko, kasi I’m working so hard to have a good career, na maganda ‘yung trabaho ko, alam mo ‘yon? Tapos ‘yun ‘yung, ‘yun lang ‘yung napapansin sa akin. And tapos na po, eh. I mean, siyempre, ‘di pa tapos ‘yung pag-aayos ng papeles, but everything else, tapos na po talaga siya. So kung meron mang magtanong ngayon, I will answer but that’s the last time I will talk about this. Kasi happy na po ako and ‘yon.

“I am really happy po. Basta… kasi ‘pag mahal n’yo po ‘yung isang tao, ayaw n’yo pong makitang malungkot ‘yung taong ‘yon. And after po nangyari sa amin, after ng pandemic, ayaw ko na po ever maramdaman namin ‘yon and siya rin. So kung saan po siya masaya and kung sino po ang magpapasaya sa kanila, I want them to take care of it and be happy. Kasi, siya po ang kahati ko sa mga anak ko, eh. So dapat masaya rin ‘yung tatay nila para buo ‘yung mga anak ko. Kasi masaya rin naman na ako and ang ganda po ng mga nangyayari sa akin so, ‘di ba, wala pong kahalong ka-echosan. And sana hindi ako pagalitan ng GMA, hindi po talaga si AJ ‘yung reason and that’s the truth. Hindi po talaga siya.”

Giit ni Kylie, kung meron mang naging third party sa breakup nila ni Aljur, hindi na niya babanggitin pa ang pangalan nito.

“Kung meron man hindi po siya (AJ). So please, naaawa na rin po ako sa kanya. As someone who struggles with mental health, mahirap po nu’ng gigising ka sa umaga tapos puro hate ‘yung makikita mo.

Please, guys, woman to woman na hindi ako okay, it makes me emotional, too. Tigilan na po natin, please. Kasi it’s not fair to her. Naiiyak ako! Hindi po talaga. Tama na, tama na! Hindi po talaga siya.

“I mean, si AJ Raval, she’s not lying. We’re really okay. Tigilan n’yo po, please! Tama na, guys. Hindi po talaga siya. Hindi siya, hindi siya.

“And hindi ko na sasabihin kung sino kasi ayaw ko na ng ganyan. Kindness, love, we need more energy na ganu’n. ‘Yon,” pagtatapos ni Kylie.

AUTHOR PROFILE