Pieta

Alfred, ‘di natinag sa lumobong budget ng ‘Pieta’

February 27, 2023 Jun Nardo 349 views

HINDI alintana ni Konsehal Alfred Vargas ang budget sa gagawing movie na Pieta lalo na’t award winning actors ang bagong dagdag sa cast.

Bukod kina Nora Aunor at Gina Alajar, na lalabas na mother niya, makakasama na sa cast sina Jaclyn Jose, Bembol Roco at ang nagbabalik na si Inah Raymundo.

“Basta sa ikagaganda ng movie, eh, gagawin natin,” sey ni Alfred sa cast reveal ng pelikula.

So after Nora, Gina at Jaclyn, may plano ba siyang makasama si Vilma Santos?

“Siyempre naman, pero basta may script na maayos at maganda, isa rin sa mga gusto kong makasama si Vilma,” bulalas ni Alfred.

Anytime ay magsu-shooting na ang Pieta.

Ate Vi, ratsada kina Boyet at Coco

RATSADA sa pelikula si Vilma Santos.

Una munang gagawin ni Ate Vi ang balik-tambalan nila ni Christoper de Leon na ang location ay sa Japan.

Yes, sa Japan ang location ng movie na mula sa isang independent producer.

“Love story ito sa age namin ni Boyet. Hindi ‘yung usual na love story,” sabi ni Vi nang humarap sa media kaugnay ng partnership niya sa Angkas motorcycle taxi.

Ang isa pa niyang naka-schedule gawin ay ang Erik Matti movie.

“Isang thriller naman ito kaya excited din ako,” rason ni Vi.

May movie ring gagawin si Vilma sa Star Cinema na balita naming ay si Coco Martin ang kapareha.

“Hanggang kaya pa, gagawa pa ako ng movie. Gusto ko kasing mag-evolve,” saad pa ng Star for All Seasons.

Eh, napapayag siyang maging ambassadress dahil sa advocacy na bigyan ng trabaho ang marami nating kababayan.

Kaya nang lumabas ang teaser ng ad ni Ate Vi na nakasakay sa motor, palakpakan ang lahat ng dumalo sa kanyang meet and greet.

Gaya ng dati, magiliw pa rin sa press si Ate Vi na kitang-kita ang excitement sa mata nang makita ang mga kaibigan.

AUTHOR PROFILE