Tigok TODAS–Si Borlaza na namatay dahil sa tama ng bala sa kanyang katawan. Kuha ni Gil Aman

Kumasa sa parak utas

August 26, 2023 Gil Aman 624 views

PATAY ang isang lalaki matapos makipagbarilan sa Pakil, Laguna na nagsasagawa ng casing at surveillance at sugatan naman ang isang babae sa police operations sa Sitio Balite, Bgy. Banilan, Pakil, Laguna Biyernes ng gabi.

Kinilala ni P/Major Marjon Fernandez, hepe ng Pakil police ang napatay na si Roen Martinez Borlaza aka, Roen, residente ng nasabing Barangay.

Napatay ang biktima sa isinagawang surveillance ng Provincial Special Operation Unit (PSOU) kasama ang Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) dakong alas 6:00 Ng gabi

Aarestuhin sana ang suspek pero nanlaban kaya siya’y napatay, ayon sa pulis.

Sangkot umano sa pagpatay at iligal na droga ang suspek.

Ayon may Major Fernandez, nasa stable condition na ang babae sa Pakil hospital mula sa tinamong tama ng bala.

AUTHOR PROFILE