Krista

Krista malaki ang ipinagbago dahil sa masasamang karanasan

June 18, 2024 Aster Amoyo 108 views

Krista1Krista2HINDI ikinakaila ng sexy actress na si Krista Miller, isa sa cast ng action-drama movie na “Karma” na pinagbibidahan ng Viva star na si Rhen Escano na maraming lessons ang napulot niya sa mga pinagdaanan niyang madilim na bahagi ng kanyang buhay at kasama na rito ang pagkakasangkot umano niya sa isang kontrobersiya tungkol sa isang taong may asawa at siya pa umano ang itinurong third party sa paghihiwalay ng isang celebrity couple na kanya namang pinabulaanan. Although nag-iwan ito ng matinding lamat sa kanyang pagkatao, wala na umanong titindi pa nung siya’y makulong ng halos dalawang taon dahil sa droga dahil na rin sa impluwensiya ng mga taong inakala niyang mga tunay kaibigan.

Ipinagbubuntis noon ni Krista ang kanyang second child nang siya’y makulong at naubos umano ang perang kanyang kinita.

“Ni pambili ng turon ay wala ako,” pagbabalik-tanaw niya nang siya’y aming makapanayam na may kinalaman sa kanyang bagong movie, ang “Karma” na pinamahalaan ni Direk Albert Langitan

Habang siya’y nakakulong, doon niya na-realize ang kanyang mga pagkakamali at ipinangako niya sa sarili na hindi na umano niya babalikan ang droga oras na siya’y makalaya.

May dalawang anak (sa magkaibang ama) na binubuhay si Krista na parehong walang suporta mula sa mga ama ng mga bata.

Pagkalabas niya ng kulungan ay nag-trabaho siya sa isang call center while supporting herself to school maging ang pangangailangan ng kanyang dalawang anak. Unti-unti umano siyang nakapag-ipon at nag-aral umano siya bilang esthetician and now running her own skin clinic at meron na rin umano siyang sariling beauty products.

Pinipili na rin ni Krista ang kanyang mga kaibigan dahil ayaw na umano niyang maulit ang nangyari sa kanya noon..

Bukas pa rin si Krista sa pagtanggap ng mga sexy roles kung kinakailangan pero mas maganda umano kung challenging roles ang maibibigay sa kanya.

Randy inamin ang tungkol sa kanila nina Maricel at Pops

RandyRandy1NATUTUWA ang singer-songwriter, actor, host, director at entrepreneur na si Randy Santiago na hanggang ngayon ay aktibo pa rin ang kanyang mga supporters at ito’y kanilang ipinakita sa kanyang recent successful concert, ang “Eyecon” na ginanap sa Plenary Hall Philippine International Convention Center kamakailan lamang.

Aminado si Randy na ang talent ng pagdidirek ay minana nila ng kanyang nakababatang kapatid na si Rowell Santiago sa kanilang namayapang amang director na si Pablo Santiago. Film directing din ang kursong kanyang tinapos sa De la Salle University. Habang ang acting ay nakuha naman nila sa kanilang yumaong ina, ang veteran actress na si Cielito Legaspi.

Ayon kay Randy, bata pa umano siya ay madalas na siyang kasama-kasama sa set ng kanyang ama kung saan niya unang natutunan ang production work. When he was growing up ay ginawa umano siyang AD (assistant director) ng kanyang ama. Bukod sa naging passion niya ang pagdidirek, lumabas din ang iba niyang talent sa singing, songwriting, acting and hosting. But it was through singing nang makilala siya ng husto bilang isa sa pinakasikat na singer-performer and hitmaker in the `80s with the likes of “Hindi Magbabago,” “Babaero,” “Paikot-Ikot” and other hits to his credit.

Ang singing talent ni Randy ay lumabas when he was in grade school na nagpatuloy until college at napabilang din siya sa iba’t ibang singing groups in school at kasama na rito ang Kundirana when he was a graduating high school student sa La Salle – Greenhills.

Ang Kundirana ay high school music ministry ng La Salle- Greenhills na pinagmulan ng napakaraming successful singers and musicians tulad nina Gary Valenciabno, Ogie Alcasid, Dindong Avanzado, Louie Ocampo, Juan Miguel Salvador, Mon Faustino, Tats Faustino, Dingdong Eduque, Carlo Orosa at marami pang iba. Naging miyembro rin ng Kundirana ang actor-director na si Rowell Santiago pero hindi ito nagpatuloy sa kanyang singing career tulad ng kapatid na si Randy.

After college, si Randy ay naging miyembro ng Cicada Band from 1983 to 1986 afterwhich, he embarked on a solo career.

Bukod sa pagkanta at pagiging hitmaker and performer, pinasok din niya ang pagiging host sa iba’t ibang TV shows tulad ng “Lunch Date,” “SST (Salu-Salo Tgether,” “MTB,” “Sanlinggo nAPO Sila,” “Sing-Galing” at iba pa maging ang pagdidirek sa ilang TV shows.

Randy is a multi-faceted talent. He is married to former model Marilou Coronel at nabiyayaan sila ng tatlong anak na lalake na sina Raphael, Ryan at Raiko.

It was painful when he lost both of his parents but it was more painful nang mawalan siya ng anak nung taong 2017. His second son Ryan was 24 when he passed on due to multiple sclerosis. He was about to graduate from college at that time.

Hindi naging madali kay Randy at sa misis niyang si Marilou ang maagang pagkawala ni Ryan na ang urn ay nananatili sa loob ng kanilang tahanan to make them feel that he’s always with them kahit halos pitong taon na itong namayapa.

Ang panganay na si Raphael ay tapos na sa kanyang pag-aaral and now living independently habang ang bunsong si Raiko na graduating this July ang siyang madalas na kasa-kasama ni Randy.

Si Randy ay panganay sa anim na magkakapatid – four boys and two girls.

Ang apat na boys na sina Randy, Rowell, Reily (Jun-Jun) at Raymart ang pumasok sa showbiz with Jun-Jun as one of the business unit heads ng ABS-CBN.

When not busy, isa sa mga libangan ngayon ni Randy ay ang paglalaro ng golf.

Samantala, klinaro ni Randy na twice umanong naoperahan ang kanyang left eye na nagkaroon ng cyst when he was in grade school . He started using shades nung siya’y nasa Cicada Band pa na kanyang ipinagpatuloy when he went solo.

Ang pagsusuot ng shades ay naging trademark na ni Randy at ang word na `eye’ ay naging favorite part ng title sa mga concerts niya tulad ng “Private Eyes,” “Soulful Eyes,” “Wild Eyes, “Virtual Eyes,” “Naked Eyes” and “Eyecon” among others.

Hindi rin ikinakaila ni Randy na naging kasintahan niya noon ang Diamond Star na si Maricel Soriano. Ang dalawa ay nagtambal sa pelikulang “Taray at Teroy” nung 1988 na dinirek ng yumaong ama ni Randy na si Pablo Santiago under Regal Films. Naging sila rin umano ng Concert Queen na si Pops Fernandez pero never umano silang nakapag-date at nahawakan man lamang ang kamay si Pops dahil parating nakabantay noon ang grandmother ni Pops na si Lola Naty. Si Pops ay naka-loveteam noon ni Rowell bago ito napunta kay Sharon Cuneta.

“Hanggang telepono lang kami noon ni Pops,” natatawang kuwento ni Randy who remained good friends with both Pops and Maricel.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Facebook and Instagram and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE