Marian

Marian dungis-dungisan sa Cinemalaya entry

June 18, 2024 Vinia Vivar 195 views

Kakaibang Marian Rivera ang mapapanood sa Cinemalaya entry na Balota.

Makikita sa isang BTS photo ng Kapuso Primetime Queen ang karakter niya bilang Emmy na sugatan at nasa gitna ng gubat.

Si Emmy ay isang teacher na magsisilbing poll watcher sa eleksyon at magbubuwis-buhay para protektahan ang huling balota matapos magkagulo sa kanilang bayan.

Dahil sa kakaiba at makabuluhan nitong kwento, marami na ang nasasabik na mapanood ang collaboration ng GMA Pictures at GMA Entertainment Group. Mismong si Marian, super excited na rin at talagang napamahal na sa proyektong ito. Kaya for sure, intense at all-out na aktingan na naman ang ipapakita ng Kapuso Primetime Queen sa Balota.

Samantala, nalalapit na rin ang pagtatapos ng hit primetime series ni Marian na My Guardian Alien. Abangan kung matutuloy pa ang happy ever after nina Grace (Marian) at Carlos (Gabby Concepcion) kahit aalis sa Earth ang most loving alien.

AUTHOR PROFILE