Kris Bernal

Kris ‘wanted yaya’ pa rin ang drama

March 27, 2024 Vinia Vivar 136 views

Hindi pa rin pala nakakakita ng yaya at house helper si Kris Bernal kaya naman umaangal na ang aktres sa hirap.

Sa kanyang latest Instagram Story ay sinabi ng aktres na wala siyang pahinga at tulog. Ilang linggo na rin umano siyang hindi nakakapag-social media.

“I haven’t been on social media in weeks because we have yet to find a yaya and house helper. Naghahanap pa din kami. Walang pahinga, walang tulog. Literal!” sey ni Kris.

Kaya naman sa ngayon ay naghahati na lang sila ng mister na si Perry Choi sa mga gawain sa bahay at pag-aalaga ng kanilang baby na si Hailee Lucca.

“Perry is in charge of the household while I am responsible/in care of Hailee. I am grateful for having a spouse on whom I can always rely on. Through good and bad. Rain or shine. Extremey attentive to our needs,” pahayag ni Kris.

October of last year pa unang ipinost ni Kris na naghahanap siya ng yaya para makatuwang nga nila sa pag-aalaga kay Hailee.

Sa isang post a few days ago ay inirereklamo niya na gutom na siya pero hindi siya makakain dahil ayaw magpalapag ng baby niya.

AUTHOR PROFILE