Paras

Kobe at Erika hindi na itanatago ang relasyon

June 29, 2022 Aster Amoyo 439 views

MUKHANG hindi na itinatago ni Kobe Paras, second son ng dating mag-asawang Benjie Paras at Jackie Forster, ang kanilang relasyon ni Erika Poturnak, panganay ng mag-asawang Ina Raymundo at ang Ukrainian-Canadian businessman na si Brian Poturnak. Nakita ang UP Maroons basketball player at si Erika na magkasama sa isang beach getaway sa Bali, Indonesia kasama ang ilan sa kanilang mga kaibigan.

Erika, who is beautiful and sexy, is most likely to follow the footsteps of her mom Ina in showbiz.

Princess

Princess matapang na inamin ang pagpapalaglag

HINDI kami nagkita in my recent trip sa Los Angeles, California, USA, pero matagal kaming nagkausap sa phone ni Princess Punzalan-(Bernadette Vela Punzalan-Field in real life).

Kinumusta namin si Princess (na panganay na anak ng yumaong dating mag-asawang Helen Vela at Orly Punzalan) tungkol sa buhay niya sa Amerika pero never sumagi sa aming kuwentuhan ang kanyang recent confession sa kanyang Instagram account.

Princess waited for the right time na aminin sa publiko ang isang sikretong matagal niyang itinago.

At 53 and happily married to her American husband na si Jason Field together with their eight-year-old adopted daughter na si Ellie, napag-isipan ng actress-nurse na si Princess na ibahagi ito sa lahat para mabigyang-liwanag ang madilim na bahagi ng kanyang buhay at magsilbing aral sa mga kabataan.

In that Instagram post, she admitted that she got pregnant at age 15 pero dahil sa takot sa kanyang inang si Helen Vela ay ipinalaglag umano niya ito lalupa’t hindi rin ito pinangatawan ng nakabuntis sa kanya. Hindi na niya sinabi ang pangalan ng guy.

At age 19 ay nagpakasal sila ni Willie Revillame na dating drummer sa Birdland-turned actor-comedian and now game show host-producer and businessman. Pero pagkaraan ng apat na taon at kalahati ay nagkahiwalay din sila at iannulled na rin ngayon ang kanilang kasal. Hindi sila nabiyayaan ng anak.

In her mid-30s, she met her second husband, ang American na si Jason Field. Matapos nilang magpakasal ay nag-relocate na sila sa Amerika kung saan siya nag-aral ng nursing and took the nursing board.

While practicing her being a nurse, tuluy-tuloy din ang acting workshops ni Princess sa Hollywood at naging miyembro na rin siya ng Screen Actors’ Guild. She used to be represented by Brandon Cohen ng BAC Talent but she’s now scouting for a new talent agent in Hollywood.

Bibihira ang isang katulad ni Princess na naging matapang na aminin sa publiko ang kanyang lihim na nakaraan and we commend her for doing so.

Kylie

Kylie tahimik sa tsismis tungkol kina AJ at Aljur

NAGPAPASALAMAT ang 29-year-old Kapuso actress na si Kylie Padilla sa kanyang home studio, ang GMA dahil sa patuloy na pagtitiwala sa kanya sa kabila ng kanyang failed marriage (sa dating Kapuso actor na si Aljur Abrenica) at pagkakaroon ng dalawang anak na sina Alas Joaquin (4) at Axl Romeo (2-1/2).

Si Kylie ay lead star ng sports-drama TV series na “Bolera” na pinagsasamahan nila nina Rayver Cruz at Jak Roberto kasama si Joey Marquez at iba pa. Ito’y magkatulong na pinamamahalaan nina Direk Domnic Zapata at Jorron Lee Monroy.

“Bolera” started airing nung May 30, 2022.

Sa kabila ng paghihiwalay nila ni Aljur, pinapahintulutan niya ang kanyang dating mister na makasama ang mga anak regularly.

Tahimik din si Kylie tungkol sa pagbubuntis diumano ni AJ Raval at si Aljur ang itinuturong ama.

Enchong

Alexa at Enchong magsasama

MATAPOS mapanood ang Kapamilya singer-actress na si Alexa Ilacad sa unang tambalan nila ng kanyang rumored boyfriend na si KD Estrada sa “Run to Me,” balik siya sa bagong acting vehicle sa pamamagitan ng romance-comedy-drama movie na “Reset U/I” na pamamahalaan ng film director, screenwriter at production designer na si JP Habac under Anima Films (dating Globe Studios). Ang nasabing pelikula ay tatampukan nila ni Enchong Dee. Ito bale ang first team-up

nina Alexa at Enchong at first time ding makakatrabaho ni Direk JP ang dalawa.

Makakasama rin sa nasabing pelikula sina Jana Bernardez, Yesh Burce, Nikko Natavidad, Nikki Valdez at iba pa.

Si Enchong ay huling napanood sa primetime TV series na “Huwag Mangamba” nung nakaraang taon.

Sina Alexa at Enchong ay parehong naging ex-housemates ni Kuya samagkaibang edisyon.

Dating swimming athlete si Enchong bago niya pinasok ang showbiz habang si Alexa naman ay nagsimula as a child star sa kiddie gag show na “Goin’ Bulilit”.

Alexa is 22 habang 33 naman si Enchong.

Joaquin

JD walang intensyong itago ang pagkakaroon ng anak

IT’S now out in the open na isang batang ama na si Joaquin Domagoso (20) ang panganay ng outgoing Manila Mayor na si Isko Moreno, at ang ina ng kanyang two to three months’ old baby boy na si Scott ay si Raffa Castro, sister ng Kapuso actress na si Claire Castro, at anak ng dating actor-turned newscaster na si Diego Castro at apo ng yumaong newscasters/broadcasters na sina Angelo Castro at June Keithley.

Ayon sa young Kapuso actor, hindi pa umano niya maamin noon ang tungkol sa pagbubuntis ni Raffa dahil naging abala siya sa kampanya ng kanyang ama na kumandidato sa pagka-Pangulo. Pero wala umano siyang intention na itago ang kanyang pagkakaroon ng anak at a young age.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo”on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE