Zombabe

KIM, KINILIG SA SUPORTA NI DIMPLES

January 11, 2024 Ian F. Fariñas 180 views

KINILIG si Kim Molina sa suportang ibinigay ng kaibigang si Dimples Romana sa red carpet premiere kamakailan ng latest movie niyang My ZomBabe, kung saan katambal niya sa kauna-unahang pagkakataon si Empoy Marquez.

Talagang na-appreciate ni Kim ang pagsipot ni Dimples sa Megamall sa screening ng Viva film na kasalukuyan nang showing sa mga sinehan nationwide.

Sa isang Instagram post, sinabi ni Kim na sumisigaw siyang binunot ng real-life partner niyang si Jerald Napoles sa gitna ng maraming supporters para sabihin na naroon si Dimples.

“My big sister @dimplesromana . Thank you ALWAYS for your presence. Lagi siya nandyan, kahit galing pang South diretso sa kung saan man. Haaay, my forever Daniela. I love you so much,” ang caption ni Kim sa appreciation post kay Dimples.

AUTHOR PROFILE