Kim

Kim, isinugod sa ospital ng hair/make-up artist

January 20, 2024 Vinia Vivar 111 views

Nasa ospital si Kim Chiu base sa ipinost niyang larawan sa kanyang Instagram Story.

Makikita sa larawan na tila nasa ER (emergency room) ang aktres at naka-insert din ang photo ng kanyang kamay na may dextrose.

“Not what I expected to end my day,” Kim wrote.

Nagpasalamat pa ang aktres sa kanyang hair and make-up artist na si Haidee Fernandez na marahil ay kasama niya sa ospital.

Nirepost ni Haidee ang ang story ni Kim at sa caption, aniya, “Kakapahinga mo pa lang pero magpapahinga ka ulit daw.”

Matatandaan na kamakailan ay nagpositibo si Kim ss Covid-19 pero base sa kanyang mga post ay magaling na siya dahil nagbahagi pa siya ng larawang nag-e-exercise na siya.

Hindi malinaw kung bakit nasa ospital ang aktres ngayon pero dasal ng kanyang worried fans ay gumaling siya agad.

AUTHOR PROFILE