Andrea Larawan mula sa IG/@blythe

Andrea hindi sarado puso sa pag-ibig

January 20, 2024 People's Tonight 123 views

NGAYONG taon daw ay hindi sa pag-ibig ang pokus ng ‘Senior High’ actress na si Andrea Brillantes.

Sa isang panayam, sinabi ng aktres na hindi kasama sa kanyang 2024 goals ang maging pokus ang pag-ibig.

Samantala nilinaw naman niyang hindi man niya ito pokus ay hindi pa rin niya isasara ang kanyang puso para rito.

“Not really, hindi po siya (love) yung focus ko pero never ko pong isasara yung heart ko and yung doors ko for love,” sey ni Andrea.

“Wala siya sa vision board ko!” hirit pa ng aktres.

Naging maingay ang pangalan ni Andrea nang madawit ang kanyang pangalan at siya ang itinuturing dahilan sa ilang hiwalayan ng celebrity couples, kabilang na sina Kathryn Bernardo at dati nitong nobyong si Daniel Padilla. Nadamay rin ang ‘Senior High’ actress sa hiwalayan nina Miles Ocampo at kanyang co-star na si Elijah Canlas.

AUTHOR PROFILE