Kimjerald

Kim at Jerald, makabagong Sharon at Gabby ng Viva

October 10, 2021 Ian F. Fariñas 481 views

Sunud-sunod lately ang pelikula together ng real-life couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles.

For this year nga ay pangatlo na nila itong Sa Haba ng Gabi (ang dalawa pang nauna ay Ang Babaeng Walang Pakiramdam at Ikaw at Ako at ang Ending) na latest offering ng Vivamax.

Sa virtual mediacon nga na ginanap recently ay tinutukso ang dalawa na sila ang makabagong Sharon Cuneta-Gabby Concepcion loveteam ng Viva Films.

Ang KimJe na nga ba ang bagong favorite loveteam ng Viva ngayon?

“I won’t really say that we’re favorites, we’re both just grateful na lahat naman po kami sa Viva, binibigyan ng work. We have work in the middle of the pandemic kahit paano. Lahat po kami ay may pagkakataon para magkaroon ng trabaho, so ‘yun lang din talaga ang tinitingnan namin at pinagbubutihan na lang din po talaga namin,” ani Kim.

Ayon naman kay Jerald, siguro ay depende rin naman sa genre.

“Kami ‘yung comedy na loveteam din, so automatic, ’pag kailangan ng loveteam na comedy, kami ang nasasalang agad,” paliwanag ni Jerald.

Medyo nasasanay na nga raw sila sa new normal set-up ng pagsu-shooting na napakaraming health protocols na kailangang sundin at naka-lock-in for two weeks bukod pa nga sa kailangan pang mag-quarantine.

Pero ayon kay Jerald, ang talagang ikinapapraning niya ay ang paghihintay ng result ng swab test bago at pagkatapos ng shooting.

“Swab in, nakakapraning kasi ‘pag nag-positive, wala ka nang trabaho, tanggal ka sa produksyon. Eh, project per project basis lang naman kami. Hindi ito kagaya ng magpagaling ka lang ng two weeks, pasok ka na. ‘Eto, ’pag natanggal ka, abang ka na naman ng ilang buwan kung bibigyan ka ng trabaho.

“Sa exit swab naman po, kung saka-sakaling mag-positive ka, ‘yung kikitain mo, gagastusin mo kasi magku-quarantine ka sa ibang bahay para hindi ka makahawa,” ani Jerald.

Samantala, ang Sa Haba ng Gabi ay isang Zombie Apocalypse mula sa direksyon ni Miko Livelo. Mapapanood na ang pelikula simula sa October 29 sa Vivamax. Kasama rin sa cast si Candy Pangilinan.

AUTHOR PROFILE