Posas1

Kelot timbog sa baril, droga sa Balayan

October 19, 2023 Jojo C. Magsombol 98 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Arestado noong Miyerkules ang isang lalaki nang mahulihan ng baril at droga sa raid sa Bgy. Munting Tubig, Balayan, Batangas.

Nakilala ang suspek na si alyas Jayson, ayon kay Batangas Police Provincial Office Director Col. Samson Belmonte.

Naaresto ang suspek raid bandang 8:07 ng umaga noong Oktubre 18. Inaresto ang suspek ng pinagsamang mga tauhan ng Balayan Municipal Police Station (MPS) sa bisa ng search warrant nainisyu ni Judge Carolina De Jesus ng Regional Trial Court (RTC) Branch 9 ng Balayan, Batangas.

Narekober sa bahay ng suspek ang isang cal. 38 revolver, anim na bala, timbangan at anim na plastic sachet na hinihinalang shabu ang laman na may katumbas na halagang P34,000.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 (The Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at RA 9165 (An Act instituting the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), sabi ni Belmonte.

AUTHOR PROFILE