Default Thumbnail

Kelot tigok, bebot sugatan sa pamamaril

April 15, 2024 Gil Aman 95 views

UTAS ang isang lalaki at tinamaan ng stray bullet ang kasamang babae ng barilin ng hitman sa kanyang bahay noong Linggo sa Sitio Alas-as, Brgy. Buhay Siniloan, Laguna.

Sa ulat ng Siniloan police kay Laguna Police Provincial Director P/Col. Gauvin Mel Unos, kinilala ang nasawi na si Edsel Buerano.

Sa mismong bahay ng biktima idineklarang dead-on-the-spot ang biktima dahil sa malubhang tama ng bala sa katawan.

Tinamaan naman si Mary Rose Esquilona Patrocino ng bala sa kamay na ngayo’y ligtas na sa Pakil General Cailles Hospital.

Nangyari ang pamamaril dakong alas-4:30 ng hapon sa mismong tahanan ng nasawi.

Nanonood sa kanyang cellphone ang biktima ng biglaang dumating ang dalawang suspek at pinaputukan ng apat na beses ang biktima.

Nagsasagawa ang Siniloan police ng backtracking sa CCTV para makilala ang tumakas na mga suspek gayundin ang tauhan ng Scene of Crime Operatives (SOCO) at forensic technical crime processing.

AUTHOR PROFILE