Boga BOGA, BOGA PANO KA GINAWA–Ang mga narekover na baril sa dalawang suspek sa pangho-holdap.

2 holdap suspek tiklo; 4 na boga nabawi

April 15, 2024 Steve A. Gosuico 70 views

SCIENCE CITY OF MUŇOZ–Nasakote ng mga pulis sa siyudad na ito ang dalawang hinihinalang holdaper na tumangay sa baril ng dalawang security guard noong Sabado matapos holdapin ang building na binabantayan ng mga sekyu.

Sinabi ni Lt. Col. Joel Dela Cruz, police chief ng syudad, na nakipag-ugnayan siya sa Rizal at San Jose City police nang makatanggap ng reklamo tungkol sa panghoholdap sa JA Building sa Brgy. Bantug dito.

Isa pang insidente na kinasangkutan ng isang security guard na ninakawan ng baril habang naka-duty sa Robinson’s Easymart sa Brgy. Poblacion Sur noon ding Sabado.

Nahuli ng mga pulis ang 25-anyos na lalaki at ang kanyang 20-anyos na kasabwat na nakuhanan ng paltik na cal. 9mm at cal.45 pistol.

Narekober din mula sa mga suspek ang dalawang cal. 9mm pistol na naunang tinangay mula sa dalawang security guard.

Isinampa ang mga kasong pagnanakaw at paglabag sa Republic Act 10591 (illegal possession of firearms and ammunition) sa mga naarestong suspek.

AUTHOR PROFILE