Default Thumbnail

Kelot patay sa ambush sa Balayan

March 2, 2023 Jojo C. Magsombol 243 views

TIGOK ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Balayan Batangas, Martes ng hapon.

Ayon kay Balayan Municipal Police Station (MPS) chief P/Maj. Domingo D. Ballesteros, Jr., ang biktima ay nakilalang si Sandy Ramos.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong 5:35 ng hapon ng Pebrero 28, habang nagmamaneho ng tricycle ang biktima sa kahabaan ng highway sa Barangay Langgangan at pauwi na umano ay biglang sumulpot ang suspek sa kanyang dinaraanan at pinaputukan ng baril ang biktima.

Mabilis na tumakas ang suspek sa hindi pa tukoy na direksyon.

Nag-alarma naman agad ang Balayan Police sa karatig-bayan at nagkasa ng follow-up operations.

Tumulong rin ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) para mangalap pa ng mga ebidensiya.

AUTHOR PROFILE