Default Thumbnail

Kelot natagpuang dedo sa tricycle sa Binondo

February 6, 2023 Jonjon Reyes 290 views

ISANG lalaki ang natagpuang wala ng buhay na nasa loob ng nakaparadang tricycle sa ilalim ng Delpan Bridge Binondo iniulat ng pulisya.

Ayon sa mga awtoridad maaaring hindi nakayanan umano ang lamig ng panahon ngayong buwan ng Pebrero, makaraang makita at wala ng buhay ang isang hindi pa nakikilalang biktima sa loob ng tricycle na nak parada sa nasabing tulay ng Delpan, Binondo, Maynila Lunes ng umaga.

Tinatayang nasa edad 40 hanggang 45 anyos ang biktima, may taas na 5’4 hanggang 5’8 nakasuot ng maong na short pants, nakahubad ng pang itaas na damit, at wala umano itong tirahan sa lungsod.

Batay kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, bandang 7:00 (Enero 6) ng umaga nang madiskubre ng isang barangay tanod sa Bgy. 275 sa Binondo ang biktima.

Ayon sa tanod, huling nakitang buhay ang biktima nitong nakaraang Linggo ng gabi, nang lapitan niya ito at nanghingi ng kape umano ang biktima at mukhang giniginaw.

Kinabukasan, tumambad at nadiskubreng wala ng buhay ang lalaki.

Gayunman, ang bangkay ay pansamantalang inilagak sa Cruz Funeral Morgue para sa kaukulang awtopsiya at upang alamin ang pagkakakilanlan dito.

AUTHOR PROFILE