Default Thumbnail

Kelot arestado dahil sa pen gun

June 4, 2023 Jonjon Reyes 256 views

PINANINIWALAANG mga miyembro ng crime gang ang tatlong kalalakihan na kung saan dalawa ang nadakma ng mga operatiba ng Manila Police District- Meisic Police Station 11 (MPD-11), at isa ang nakitaan ng improvised na baril habang naglalaro ng cara y cruz Sabado ng gabi sa panulukan ng Muelle Dela Industria at Numancia Street, Binondo, Manila.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Degree 1602 (Cara’y Cruz) at kasong paglabag sa Republic Act 10591(An Act Providing for a Comprehensive Law on Firearms and Ammunition si alyas Rodel, 4, ng Binondo.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Rexson Layug, Station Commander , nag-iikot ang kanyang mga tauhan dahil sa pinaiiral na Oplan Galugad at Simultaneous Anti- Criminality Law Enforcement Operation bandang 11:30 p.m. nang mamataan ang nagkukumpulang lalaki.

Nagpulasan ang tatlo subalit natimbog ang dalawa at isa ang nakitaan ng pen gun na may isang bala mula sa 9 MM na pistola.

AUTHOR PROFILE