
2 ‘Spiderman’ swak sa kulungan
PASOK sa selda ng Manila Police District Barbosa Police Station 14 ang dalawang kelot na naaktuhan umanong nilalagare ang kable ng internet Sabado ng madaling araw sa Sampaloc, Manila.
Ang mga suspek ay nakilala lamang na sina Edwin, 39, binata , construction worker at alyas Jester, 20, binata, walang trabaho.
Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, commander ng MPD- Barbosa Police Station 14, bandang 4:30 a.m. nang matimbog ang dalawang kalalkihan habang abalang nilalagare ang kable ng Internet sa S.H Loyola Street malapit sa Cayco sakop ng Barangay 457.
Mga tauhan ng Bantay Cable Globe Telecom ang nakahuli sa mga suspek na nakuhanan ng 20.5 meters na kable, 100 pirasong cable copper at lagareng bakal.
Itinurn-over sa himpilan ng MPD PS 14 at agad ikinulong sa utos ni PLt.Col.Mupas
Nahaharap ang mga tinaguriang ‘Spiderman’ sa kasong paglabag sa Article 308 ng Revised Penal Code (theft) at Republic Act 10515 (Anti-Cable Television and Cable Internet Tapping Act of 2013).
Ayon kay Mupas hindi sila tumitigil sa pagroronda upang mapanatili ang katahimikan, kaayusan at kapayapaan sa kanilang nasasakupang lugar.