Kathryn Larawan mula sa IG/@bernardokath

Kathryn may bagong hairdo

December 5, 2023 People's Tonight 177 views

NAGPARAMDAM na sa social media si Kathryn Bernardo limang araw matapos niyang kumpirmahin ang naging hiwalayan nila ng kanyang dating nobyo na si Daniel Padilla, at ang aktres, may ipinakitang bago.

Sa Instagram page ng ‘A Very Good Girl’ actress nitong Martes, Disyembre 5, ibinandera niya ang kanyang bagong hairdo.

Sa mga larawang ibinahagi ni Kathryn, angat ang kanyang ganda sa bagong kulay ng kanyang buhok na orange.

“I hope santa still recognizes me with orange hair,” sey ng aktres sa caption ng kanyang post.

Inulan naman ng samu’t saring komento mula sa netizens at mga kapwa celebrities ni Kathryn ang kanyang new hairstyle.

“Ofcors pretty!!!!” wika ng TV host-actress na si Jolina Magdangal.

“He would,” komento naman ng aktres na si Sarah Lahbati.

“Booogsh,” saad ng socialite-actress na si Heart Evangelista.

“OO NAMAAAAN!!!” pahayag naman ni Chie Filomeno.

“BEAUTIFUL,” komento pa ni Ivana Alawi.

Matatandaang nitong gabi ng Huwebes, Nobyembre 30, ay halos magkasabay na naglabas ng statements sina Kathryn at Daniel kung saan kinumpirma nila parehong tapos na ang kanilang 11-taong relasyon.

“Chapter closed. I hope this finally helps all of us move forward,” saad ni Kathryn.

AUTHOR PROFILE